[Trigger Warning] PINIKIT ng mariin ni August ang dalawang mga mata nang maalala niya ang sinapit niya sa States. Wala siya nagawa nang mga panahon paulit-ulit siyang binaboy ni Archer habang pinapanuod lang sila ni Cole na akala niya dati ay po-protektahan siya nito. Mabilis niya binigay ang tiwala sa mga ito at nauwi ang lahat ng iyon sa malagim na karanasan. Ilang beses niya hiniling tuwing gabi na hindi na sana nangyari ang lahat, hindi na sana siya nag pumilit mag-aral sa ibang bansa. Hindi sana nasira ang buhay niya dahil nag mahal at nag tiwala siya sa maling tao. Tuloy-tuloy tumulo ang mga luha ni August sa pisngi. Ang tahimik na pag-iyak ay nauwi sa malalakas na pag hinagpis. Ang mga pulisya nanunuod ay natahimik. Ang ilang pulis ay umiwas ng tingin sa dalaga habang patu

