INAYOS ni Sage ang higaan ng kapatid at pinahiga ito rito. Kukumutan sana niya ito nang hawakan ni August ang kamay niya. Tinitigan ni Sage ang kamay na nakahawak sa kaniya ngayon pagkatapos ay tumingin ito sa mata ni August. Walang sinabi si August bagkus ay umusog ito at tinapik ang kama para pahigain si Sage. Pagkatapos ay hinigpitan ni August ang hawak sa kamay nito. Tutol man si Sage sa gustong mangyari ni August ay wala na itong nagawa at humiga na sa tabi nito. Tumalikod naman ng higa si August sa kapatid. Ngunit nang maramdaman nito na hindi humihiga ng maayos si Sage ay binalingan niya ito ulit. Kinuha niya ang kamay nito at siya na mismo ang nagpayakap dito. Nakatalikod siya rito habang naka-yakap sa likuran niya si Sage. "Kuya?" Tawag ni August sa kapatid. "Hmm?" Halata

