PINAGMASDAN ni August ang magkahawak na kamay nilang dalawa ni Sage. Parehas nakaupo ang dalawa sa isang portable chair habang ang ulo ni August ay nakadantay kay Sage. May dalawa rin na fishing rod sa harapan nila. Nakatukod ang mga ito sa isang fishing stand. Pagkagaling nila sa University ay diniretso ni Sage ang sasakyan nito sa isang malapit na fishing area para mangisda. Balak din nila dalhan ng sariwang isda ang kanilang ina pagkauwi. Mas lalong dinikit ni August ang ilong sa katawan ni Sage para amuyin ang pabango nito. "Ang bango mo." Bulong ni August kay Sage. Hindi naman mawala ang ngiti kay Sage dahil sa inaasal ni August sa kaniya. "You smell nice too." Puri ni Sage. "Hindi, mas mabango ka." May maloko ng ngiti na ani ni August sa kapatid. "You smell strawberry."

