BLANKO ang utak ni August ng makitang pumasok ang mga pulis sa loob ng tahanan nila. Maingay ang paligid pero ni-isang tunog ay walang naririnig ang dalaga. Tulala lang siya habang pinapanuod ang mga pulis na nag kalat sa loob ng tahanan nila. Maingay din ang siren ng sasakyan ng mga ito sa labas. Napatakip sa mata si August nang may tumamang flashlight sa mata at mukha niya. "Stay where you are." Sigaw ng police na may hawak na flashlight sa kamay. Hindi magalaw ni August ang buo nitong katawan at nag sisimula na rin manginig ang mga kamay ng dalagita. "Lane!" Tawag ni Sage kay August at mabilis na hinawakan ang kamay nito. Ramdam na ramdam ni Sage ang pag lalamig ng kamay ni August. Mas lalo ni Sage hinigpitan ang kapit sa mga kamay nito. Lumapit ang mga police sa kanilang dala

