Kabanata 6
Attention and Love. That’s the two things I want to experience. Since I was a kid I’m so eager to feel this simple things but it’s so uneasy for me to experience that. Gusto kong lagi akong pinapansin ng mga magulang ko ngunit panandalian lang iyon, pagkatapos nila akong makita ay hahayaan na nila ako, minsan nga ay hindi pa nila naaalala na may anak pa silang isa. The most important, I’m always thirsty for love. When can I experience that?
It’s alright if I can’t find true love, tutal hindi na naman ako umaasa na makakatagpo ako ng lalaking matino. It feels like it’s too good to be true. I started to hate them naman. I just hope that my parents can see or feel that I love them, and I want them to love me the same way I feel.
Napatigil ako sa pagtitig sa isang sales report noong may kumatok sa pinto ng opisina ko. Napabuntong hininga ako at mabilis kong inayos ang buhok ko. I look at the small mirror on my table. Noong nakita kong maayos pa naman ang make up ko, tumugon ako sa employee ko at pinapasok ko agad siya.
“Miss Bri, papipirmahan ko po ang monthly report namin,” magalang na bungad niya sa akin.
Walang emosyon na tumango ako sa kaniya. “Hindi pa rin ba papasok si Jelta?” tanong ko sa kaniya habang kinukuha sa kaniya ang folder.
Umiling siya sa akin at pagkatapos ay sumagot siya sa akin, “Kinokontak na po namin siya pero hindi niya po sinasagot ang tawag namin.”
Napairap ako dahil sa naramdaman na inis. “Nag-awol na siguro siya,” panghuhula ko. Mariin na ibinaba ko ang folder sa lamesa ko.
Hindi man lang siya nagpaalam sa akin!
Maasyos siyang tinanggap sa kompanya ko tapos aalis na lang ng walang paalam. Sana kung aalis man marunong magpaalam para hindi ako naghihintay kung babalik pa ba o hindi.
Ang ilang employee parang kasintahan lang, minsan aalis na lang talaga ng walang paalam. Miski bye o reason, wala man lang maibigay.
Itinaas ko ang kamay ko upang senyasan siyang umalis sa opisina ko. Mariin akong napahawak sa aking ulo dahil sa pagsakit ng ulo ko. Nasa kaniya pa naman ang ilang documents! Hindi niya ito iniwan sa opisina! Mahahalaga ang mga ito para sa akin.
Pahihirapan niya pa talaga ako sa paghahanap sa kaniya.
Inikot ko ang aking swivel chair kaya napaharap ako sa shelves. Napatingin ako sa family picture na nakapatong doon. Napasandal ako sa sandalan ng swivel chair.
Sobrang lapit ng magulang ko at ni Brelline sa isa’t’-isa. Nakayakap ang magulang ko sa kaniya habang nakangiti silang lahat sa akin. Ako naman ay nasa isang gilid lang habang nakaupo. Walang kasiyahan na makikita sa aking mukha. Hindi man lang nila ako nilapitan at niyakap.
Bata pa lang ako noon at wala pang muwang sa mga nangyayari. Noong nagkaisip lang ako ay nagsimula na akong masaktan.
Napatulala akong muli at naalala ang nakaraan.
Noong bata pa lang kami ay napansin ko nang mas mahal si Brelline ng mga magulang namin. Ibinibigay sa kaniya ang atensyon ngunit sa akin ay para akong isang pulubi na nanghihingi ng miski isang barya.
Mahirap… naghihintay lagi sa kakarampot na ibibigay.
Binibigyan lagi ng laruan si Brelline ngunit ako ay nakikihati lang sa kaniya at ang mga pinaglumaan niya ang tanging nakukuha ko. Mayaman kami ngunit pagdating sa akin ay nagtitipid sila? Ito ang bagay na hindi ko maunawaan dati dahil isa pa rin akong bata. Ang mga gusto niya ay nakukuha ngunit pag ako’y hihingi sa kanila kailangan ko pang mamilit. Ang lahat ng hinihingi ko ay pinaghihirapan ko. Ang ibang mga bagay na gusto ko ay minsan nang naging pangarap dahil hindi ko nakukua.
Noong pitong taong gulang ako ay nagtago ako sa garden upang tingnan kung anong magiging reaksyon nila. Akala ko ay maiiyak sila at hindi mapapakali, akala ko ay mag-aalala sila sa akin ngunit sinaktan lang nila ang bata kong puso. Ilang oras ang lumipas hanggang sa naging isang araw ay hindi man lang nila ako hinanap.
Lumabas ako sa malaking hardin na pinagtataguan ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Ngunit bigo akong matanggal ang mga luha dahil patuloy lang ang mga ito sa pagbagsak. Hindi iyon ang unang beses na umiyak ako ng dahil lang sa pagtatampo. Labing limang beses na hanggang sa hindi ko na nabilang pa.
Bakit noong nawala naman si Brelline ay halos hindi sila magkandaugaga sa paghahanap. Nakita ko pa ngang umiyak si Mama, si Papa naman ay nagpatawag ng pulis at rescue team habang galit na galit. Parehas silang nag-aalala habang noong ako ay hindi man lang nila napansin na nawawala ako.
Ganoon ba ako ka-hindi importante sa kanila?
Noong pumasok ako sa bahay ay nakasalubong ko ang yaya ko. Nag-aalala siyang lumapit sa akin habang niyayakap ako. Mas lalo akong napaiyak dahil sa nakitang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Mabuti pa siya… nag-aalala ngunit ang sarili kong magulang ay hindi.
Sinabi niya sa akin na hinanap niya ako kung saan-saan dahil bigla raw akong nawala.
“Bakit umiiyak ka?” tanong niya habang hinahagod nang marahan ang aking likod. Hindi ako napatigil sa pag-iyak.
“Pinagalitan ako ni Mama,” sumbong ko sa kaniya. Isa rin ito sa dahilan kung bakit ako nagtago at kunwaring naglayas.
Humiwalay siya sa akin upang hawakan ang magkabila kong pisngi. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. Nag-aalala na tinitigan niya ako.
“Bakit ka niya pinagalitan? May ginawa ka bang masama?” tanong niya sa akin.
Mas lalo akong napahagulhol. Hindi naman ako natatakot na tumigil sa pag-iyak. Alam ko naman na hindi nila ako lalabasin at yayakapin para lang patahanin.
“Yaya! Aksidente ko lang naman pong nabasag ‘yung paborito niyang vase!” humihikbing sumbong ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. Hinawi niya ang mahaba kong buhok na dumikit na sa mukha ko dahil sa mga luha. “Pinalo ka ba ni Ma’am?” tanong niya sa akin.
Mabilis akong umiling habang humahagulhol. “Hindi pero pinagalitan niya ako at sinabi niyang grounded daw ako,” sumbong ko pa sa kaniya.
“Hayaan mo na… lilipas din ang galit niya,” sabi niya sa akin at pagkatapos ay napabuntong hininga siya.
“Pero bakit noong si Brelline ang nakabasag ng vase dati, hindi naman siya nagalit?” naiingit na tanong ko.
Bakit sa akin ay galit siya? Hindi ko naman sinasadya habang si Brelline… nakita kong sinadya niya. Mas lalo akong umiyak nang sobrang lakas.
Nabulabog na ang buong kabahayan dahil sa pag-iyak ko. Lumabas na rin ang iba pang mga katulong ngunit ang mga magulang ko ay hindi man lang lumabas sa kwarto nila.
“Tahan na. Baka badmood lang ang Mama mo,” pagpapatahan sa akin ni Yaya.
Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. Umiling ako nang marahas. Ipinadyak ko ang aking paa sa tiles. “Lagi siyang badmood sa akin pero pag kay Brelline ay ayos lang sa kaniya. Hindi siya napapagalitan,” umiiyak kong sabi at pagkatapos ay umupo ako sa tiles.
Sumubsob ako sa tuhod ko habang umiiyak. “Huwag mo nang kaisipin ang bagay na iyan,” sabi niya ngunit mas lalo akong pumalahaw ng iyak.
“Sadyang hindi niya lang ako mahal,” malakas kong sabi habang humahagulhol.
“Huwag ka nang magsinungaling, Yaya! Alam ko naman na hindi nila ako mahal!” malakas kong sabi kaya naglapitan na sa akin ang iba pang katulong. Sinabi nilang mahal ako ng magulang ko pero hindi ako naniniwala sa kanila.
Kung mahal nila ako… hindi nila ako hahayaang umiyak.
*
Noong sampong taong gulang ako ay ganoon pa rin ang nangyayari. Walang pagbabago sa buhay ko. Nagkakaisip na ako at unti-unti ko nang narerealize na mayroong mali sa kanilang pagtrato sa akin.
Walang gana na pinagmasdan ko ang breakfast na nasa harapan ko. Nahuli ako sa pag-aayos at pagbibihis. Hindi na nila ako hinintay sa almusal. Pagkatapos kumain ay umalis na agad sila dahil malalate na raw sila sa trabaho, kasabay nilang umalis si Brelline at isasabay na sa pagpasok sa school, habang ako ay ihahatid naman ng driver ko.
Tinanong ni Yaya kung bakit ako malungkot. Marami akong dahilan ngunit isa lang ang nais kong ikuwento sa kaniya.
Pinaglaruan ko ang pagkain ko gamit ang tinidor. Lasog-lasog na ang hotdog. Ang pagkain ko ay wala pang bawas. Napanguso ako habang pinipigilan ang pag-iyak.
“Narinig ko ang sinabi kanina ni Mama at Papa. Nagkukwento sila kay Brelline na sila raw dalawa ang nag-isip ng pangalan ng kapatid ko. Sinabi pa nga nila na isang gabi silang hindi nakatulog dahil sa pag-iisip,” naiingit na sumbong ko sa kaniya.
Siya lang ang laging nasa tabi ko at nakikinig sa mga sumbong, reklamo at pag-iyak ko.
Inayos niya ang table napkin na nasa hita ko. Kinuha niya sa akin ang kutsara at tinidor. Hindi na ako nagreklamo sa kaniya noong sinubuan niya na ako ng pagkain. Malaki na ako ngunit nagpapasubo pa ako.
“Anak ka nila kaya ganoon din sila sa iyo. Paniguradong hindi rin sila nakatulog sa pag-iisip,” sabi niya. Alam kong hindi totoo ang sinabi niya.
Narinig ko naman sila kaninang umaga, pumunta ako sa kanilang silid. Hindi na ako pumasok noong narinig ko ang topic ng usapan nila.
Bahagya akong napatigil sa pagkain. “Mali ka, Yaya. Narinig ko na sinabi nilang nakuha lang daw nila ang aking pangalan sa isang movie. Hindi nila pinag-isipan, hindi tulad ng kay Brelline. Maganda tapos mukhang sosyal!” nagtatampo kong sabi at sumimangot ako.
“Maganda rin naman ang pangalan mo,” pamumuri niya sa akin pero umirap lang ako sa kawalan.
“Pinagtatawanan ako dahil sa pangalan ko! I really hate my name!” nakasimangot na sabi ko.
She can’t fool me!
“Nakakatampo sina Mama!” pag-uulit ko. Inis kong inalis ang table napkin sa hita ko at hinagis ko ito sa lamesa.
“Huwag ka nang magtampo sa kanila,” sabi ni Yaya pero sumagot ako ng ‘No’
“I hate them! Maganda ang pangalan ni Brelline habang ‘yung akin sobrang pangit!” naiinis kong sabi.
Narinig ko sa kaklase ko na pinaghandaan din daw ng magulang niya ang pangalan niya dahil espesyal at pinag-iisipan ang pangalan dahil doon daw malalaman kung mahal ka ng magulang mo.
Ibibigay nila ang best sa iyo. Mga bagay at pangalan.
“Mawawala rin ang inis mo sa kanila. Intindihin mo na lang. First day mo sa leadership program ngayon, hindi ba?” Inayos niya ang buhok ko. Hinawakan niya ang gilid ng labi ko. Pilit niya akong pinapangiti ngunit hindi ako nagpatinag. Mas lalo akong napasimangot.
“Malaki ka na. Hindi ka na dapat magtanim ng tampo sa kanila,” dagdag na bilin niya kaya napabuntong hininga na lang ako.
Sa dami ko nang itinanim na sama ng loob pwede na akong mag-ani!