Kabanata 7

1075 Words
Kabanata 7 Lumaki akong naghahanap ng kalinga sa mga magulang ko, lumaki akong may namumuong inggit sa puso ko. Hindi ko na napigilanna magtanim ng maraming sama ng loob sa kanilang dalawa ngunit kahit na ilang beses nila akong bigyan ng disapointment, hindi ko ipagkakaila na mahal ko pa rin sila. Habang lumalaki ako ay nagpapansin ako upang maalala ng magulang ko na may anak pa sila maliban kay Brelline. Hindi ako nabigo dahil kada-magagalit sila sa akin ay pinagsasabihan nila akong dalawa. Nabibigyan nila ako ng atensyon dahil sa mga masamang bagay na ginagawa ko. Napapagalitan ngunit saglit lang dahil mas magpo-focus na ulit sila kay Brelline. Imbis na maging kontento ako sa maliit na atensyon na ibinibigay nila, mas naging mapaghangad ako nang higit pa. Gusto ko ng atensyon na katulad ng kay Brelline. Naging makulit na bata ako hanggang sa muling nagbalik sa pagiging mabait ngunit habang nadadagdagan ang taon ay napapansin kong walang nangyayari kaya mas minabuti ko na lang na pangatawan na masama akong tao. Mas napapansin nila ako pag mayroon akong ginagawang hindi nila gusto. Hanggang sa grumaduate ako ng college at magkaroon ng unang trabaho ay hindi ko man lang nakuha ang atensyon na pinapangarap ko. Hindi ko rin nakita na naging proud sila dahil nakatapos ako. Wala…kahit ang salitang congratulations ay hindi ko narinig sa kanila. Masayang tumakbo ako papasok sa loob ng silid ni Mama at Papa. Wala si Papa dahil nag-overtime ito. May bago itong kaso na hinawakan. Lumapit ako kay Mama. Nakita ko ang paglipat niya sa pahina ng librong binabasa niya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin kahit na kumatok ako sa pinto. Hindi ko na lang ininda ang kirot sa puso ko. Umupo ako sa kaniyang kama habang masayang itinataas ang payslip na hawak ko. Saglit siyang tumingin sa akin ngunit ibinalik din niya ang atensyon sa binabasa. Nawala ang ngiti sa mukha ko. “Mom, I got my salary. Gusto kong kumain tayong lahat sa labas, then let’s have a vacation,” pag-I-invite ko sa kaniya habang inilalahad sa kaniya ang payslip. Ilalabas ko na sana ang ticket gamit ang kanan kong kamay ngunit napatigil ako noong bumuntonghininga siya. Iba-iba ang tawag ko sa kaniya dahil gusto kong magpapansin at itama niya ako ngunit wala na naman siyang pakialam sa aking ginagawa o trip sa buhay. Umiling siya habang binubuklat ang libro. Napahigpit ang hawak ko sa payslip ko. “I’m sorry, Britta. May pupuntahan kami ni Brelline mamaya. Mayroon siyang activity sa school. Ang Papa mo na lang ang yayain mo,” sabi niya. Tiningnan niya ako ngunit hindi naman siya ngumiti. “About your invitation for a summer vacation… I can’t come with you because sasamahan ko si Brelline mag-enroll sa Canada,” dagdag na sabi niya. Ibinaba ko ang kamay ko. Tinupi ko agad ang payslip ko. Walang kangiti-ngiti na tumayo ako. “Sinabi ko kay Papa pero busy siya sa isang kaso,” mariin kong sabi. Umiwas siya sa akin ng tingin at ibinalik niya ang atensyon sa librong masarap sunugin. “Maybe next time?” sabi niya kaya inis akong napairap. Tumalikod na agad ako sa kaniya. “You already said that before,” sagot ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa pinto. “Sobrang busy ko lang. Sana maintindihan mo,” sabi niya ngunit hindi na ako sumagot sa kaniya. Umalis na lang ako sa bahay dahil sa sobrang pagtatampo. Wala talaga silang pakialam sa akin. Bakit pa ba ako umaasa? Alam ko naman na hindi nila ako pagbibigyan. “I have tickets para sa vacation sa Palawan,” mariin kong sabi habang inilalabas ang plane tickets. Tama naman ang hula ko na hindi sila sasama. Ibinigay ko ito sa isang katrabaho ko. Tulala na napasinghap siya habang nakatingin sa plane tickets. “Miss Bri, bakit mo po ito ibinigay sa akin?” gulat na tanong niya sa akin. “Sa iyo na lang. Sayang kasi kung hindi magagamit,” sabi ko habang seryosong umuupo sa aking pwesto. “Pero bakit hindi mo na lang po ibigay sa Mama at Papa mo?” tanong niya sa akin kaya mas lalo akong nalungkot at nainis. “They are all busy,” malamig kong sagot sa kaniya at ibinalik ko ang atensyon sa laptop ko. Busy sila pag ako ang hihingi ng pabor. Ganoon naman lagi! Bakit ba hindi na ako nasanay sa kanila. Sinubukan kong gawin ang mga bagay na ayaw nila ngunit imbis na pansinin nila ako ay ipinagsawalang bahala nila ang pagrerebelde ko sa kanila. Papagalitan lang ngunit hindi papayuhan. Wala talaga silang pakialam. “Mom… Papa, I have a boyfriend,” pag-aamin ko sa kanila. Napatigil sila sa pagkain at napatingin sila sa akin. “Okay. It’s also fine with us if you got married early,” sabi ni Papa kaya napatigil ako sa tangkang pagsubo ng kanin. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Nakapakunot ang noo ko. Iyon lang ba ang sasabihin nila? Hindi man lang sila magtatanong sa akin? Pangangaralan at babalaan? Parang gusto pa nga rin nilang umalis na agad ako sa poder nila. Napakagat ako sa ibaba kong labi noong masayang humarap si Brelline kay Papa. “Pwede rin ba akong magboyfriend?” tanong niya kaya napasinghap nang malakas si Mama. Umiling si Papa habang sinamaan ng tingin si Brelline. “No!” matigas na tutol niya kaya naman napasinghap si Brelline. “Why?” nakanguso na tanong ni Brelline. “You’re still too young,” mariin na sabi ni Mama kaya napakunot ang noo ko. “I am not young! Twenty-one na ako!” nagmamalaking sabi ni Brelline. “Bata ka pa rin para sa amin kaya bawal ka pang mag-boyfriend. Hindi pa kami handa ng Mama mo na magpakasal ka,” sabi ni Papa kaya binitawan ko na ang hawak kong kutsara. “Excuse me. I’m done,” wika ko at pagkatapos ay tumayo na ako upang maglakad paalis. Bakit lagi nilang isinasampal sa akin ang katotohanan na hindi talaga ako mahalaga sa kanila? Kulang na lang ay palayasin nila ako rito sa bahay para lang maiparamdam sa akin na hindi talaga nila ako mahal. Halos ipagtulakan nila ako sa isang bagay na hindi naman pumapasok sa isip ko, tapos kay Brelline ay hindi nila gustong mawalay sa kanila kahit nasa tamang edad na rin ito. Life is so unfair. Bakit hindi ako mabigyan ng pagmamahal at atensyon na matagal ko nang hinihiling?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD