Kabanata 18 Napatigil ako sa paglalakad noong makita ko ang paglabas ni Ma’am Britta sa elevator. Kasunod niya sa paglabas ang isang babae na lagi niyang kasama. Sa balita kong narinig ay ang babaeng ito ang panandalian niyang assistant. Hindi na kasi bumalik ang sekretarya niya mula noong napagalitan ito ni Miss Bri. Umartas ako at agad na lumiko sa kanan upang maiwasan ang pagtagpo ng landas namin. Napatigil ako sa paglalakad noong bigla akong hinigit ni Yera sa damit ko. Agad akong napasinghap dahil muntik niya nang makapitan ang aking silicone boobs! “K! Saan ka pupunta?” nagtataka niyang tanong sa akin. Itinuro ko ang kabilang exit habang nakangiti sa kaniya. “Sa kabila ako dadaan!” sagot ko sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay. Hinigit niya ako pabalik sa main exit. Nakapil

