Kabanata 19 Mabilis akong lumakad papunta sa entrance. Hindi ko na binati ang dalawang lady guards. Para hindi ko na makasalubong o makita si Miss Bri ay nagpalate na ako. Mag-aalas otso ako pumunta sa building para naman hindi na magtagpo ang landas namin. Maaga naman siyang pumasok. Sure ako na mauuna siya sa akin. Tumingin ako sa pink na wrist watch ko. Napalunok ako noong nakita ko ang oras. Makaabot pa kaya ako sa tamang oras? “Good morning, Ma’am Bri,” rinig kong sabi ng isang empleyado sa unahan ko. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Nahulog ang dala kong payong. Napatunghay ako at napatingin sa mga babaeng nasa unahan ko. Limang hakbang na lang ang layo ko sa kanila. Napalunok ako noong makita ko ang seryosong mukha ni Miss Britta. Hindi sila umaalis sa unahan ng security en

