Prologue
Sa isang mansyon, nakatira ang pamilyang Salvatores. Mula sa lolo at lola, hanggang sa lima nilang anak, at pitong apo. Sa loob, umiilaw ang apoy sa fireplace at nagbibigay ng mainit na liwanag.
Nasa rocking chair ang lola at nakatitig lang sa mga apo niyang masayang naglalaro, binubuksan ang mga munting regalo na natanggap.
Umupo ang mga bata sa paligid niya na tila excited.
"Lola," sabi ng pinakamaliit, "kwento ulit! 'Yung tungkol sa prinsesa."
Ngumiti ang lola at binuklat ang malaking librong hawak niya.
"Ah," mahina niyang sabi, "the story of the princess who lives on a realm where magic exist but is forbidden , she who died twice, and live thrice!"
Napahanga ang mga bata. Hindi nila napansin na medyo nanginginig ang kamay ng lola kasabay ang pagbukas sa pahina ng librong hawak niya.
"Sige," sabi niya,
"nagsimula ang kwentong ito sa isang malayong kaharian... isang lugar na may prinsipe, prinsesa, at isang mahiwagang orasan na kayang manipulahin ang oras."
Lalo pang lumapit ang mga bata.
"Matapang ba 'yung prinsesa?" tanong ng isa.
Sandali siyang tumigil.
"Naging matapang siya," sagot niya. "At natutunan niyang minsan, may sakripisyong nararapat nagawin para sa kabutihan ng nakararami. Naranasan niyang mapagtaksilan, pahirapanm at lokohin ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan niya. She became lost... but never loses her heart. She remains good,"
"Happy ending ba, Lola?" tanong ng panganay.
Ngumiti ang lola.
"Hmm," sabi niya, "kayo na ang magdesisyon pagkatapos n'yo marinig."
The story begins.