PROLOGUE
“YOU didn’t finish your studies yet, high school graduate ka lang tapos mag-a-apply ka rito sa hotel ko? Are you kidding me, Miss?” Kumuyom ang mga kamao ko sa mapang-insulto niyang tanong sa akin. Kailangan talagang ipamukha sa akin ang bagay na ‘yan?
“Aalis na lang po ako,” sabi ko at tumayo na ngunit nagsalita siya.
“So, now you’re leaving? Akala ko ba ay gusto mong magtrabaho rito?” malamig at nakataas na kilay na tanong niya.
Kung si Levi Eziel Leogracia lang naman ang magiging boss ko ay mas gugustuhin ko pa ang umalis na lamang at huwag nang magpapakita pa sa kanya. Huwag nang tumunton pa sa lugar na ito. Pero parang hindi naman niya ako naaalala, eh. Base lang sa ekspresyon ng kanyang mukha at pakikipag-usap sa akin.
“Ano... magtatrabaho ka pa ba?” tanong niya sa akin. Napapikit ako at huminga ng malalim.
“M-Magtatrabaho po, Sir, k-kahit janitress o waitress na lang po ay okay na sa akin,” sagot ko at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Desperada na ako eh.
“Give me one good reason kung bakit gusto mong magtrabaho kahit janitress o waitress man lang? Napakasimple kung tutuusin. Kaya ano at bakit?” mapanghamon niyang tanong at humalukipkip pa siya habang nakatitig sa akin ng mariin.
“Dahil kailangan ko ng pera, Sir,” diretsang sagot ko at tinaasan niya ako ng kilay.
“Okay, I see. Then... you’re hired as a waitress,” sabi niya at agad akong tinanggap. Bahala na. Tatanggapin ko ang trabaho kahit na kinakamuhian ko pa siya ngayon, ng hindi niya alam.
***
DAHAN-DAHAN kong binuksan ang pintuan ng apartment namin at napatingin ako sa maliit at malinis na sala namin. Nakita kong nakaupo sa maliit na sofa si Deno na nakikinig ng radio. Lumapit ako sa kanya at lumuhod. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan sa noo.
“Mama?” tawag niya sa akin nang mapansin na niya ang pagdating ko.
“Yes, anak?” tanong ko.
“Nakauwi na po kayo? Ang aga po ninyo, ah,” aniya at bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa maliit naming kama. Inilapit pa niya ang kamay niya sa akin at mabilis ko namang tinanggap iyon. Mahigpit ko itong hinawakan.
“Tanggap ka na po ba sa trabaho niyo, Mama?” tanong niya sa akin at yumakap nang mahigpit.
“Oo anak, tanggap na si Mama. Bukas ay may trabaho na ako agad,” masayang balita ko.
“M-Makakasama na po natin si Deni? Miss ko na po siya, eh," aniya at nag-init ang sulok ng mga mata ko na bigla ring pumatak ang luha ko sa aking pisngi.
“Hindi pa sa ngayon anak. Malapit na natin makasama si Deni basta Hindi ngayon... At s-saka na-miss ko na rin siya. Gusto mong dalawin natin siya?” tanong ko.
“Opo Mama! Makikita--makakausap ko na naman si Deni,” maligayang sagot niya sa akin.
“Pangako, anak. Magkakasama-sama na tayo ni Deni. Hinding-hindi na tayo magkakalayo pa,” sabi ko.