Nang sumunod na mga araw ay mas lalong naging mahirap para kay Jace. Arabella was not answering all of her calls and chats. Maski ang i-seen ang kanyang chat, hindi nito magawa. Ilang araw na ba ang lumipas magmula ng gabing 'yon? Apat na araw na siguro, and it's been like hell not talking to her. Sa tuwing bibisitahin niya ito tuwing gabi sa apartment nito, tanging si Jona lang ang lumalabas at kumakausap sa kanya. Hanggang tanaw lang siya rito. Pero ngayon, hindi siya papayag na hindi ito makausap. Sabado ngayon at day off bukas ng dalaga kaya sadya rin siyang namaalam sa trabaho na magha-half day lang muna siya. Mabuti na lang at pinayagan siya. Panay ang tingin niya sa suot na relo. Kinse minutos na lang, mag-aalas dos na. Anytime soon, out na ng dalaga. Ngali-ngali na niyang hilah

