Habang naghihintay siya sa labas ng delivery room, humahangos na dumating si Jona. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang kasama nito. Dave. Kahit nag-aalala sa kanyang mag-ina, hindi niya maiwasang hindi mainis. Oo nga at siya na ang pinili ng dalaga pero hangga't naroon ito at umaaligid, hindi siya magiging kampante. Hindi siya mapakali. Lalake rin siya kaya alam niya ang likaw ng bituka nito. Kita rin naman niya sa mga tingin nito kay Ara na hanggang ngayon ay may gusto pa rin ito. And he's just damn stupid if he'll him have a chance on her! "Kumusta na siya? Nanganak na ba? Lumabas ba? Ha?" Sunod-sunod ang mga tanong ni Jona na hindi siya makasingit para sumagot. "Jace, ano? Nanganak na ba?" "Sa tingin mo kung nanganak na siya, narito pa ako?" sambit niya. Kita na nitong naghihintay

