Chapter 51

1229 Words

Nang magising siya, nasa isang pribadong kwarto na siya habang nakabantay sa kanya si Jona. "Nasaan na ang anak ko?" Sa namamaos na boses ay tanong niya agad. May takot kasi sa kanya na baka may kulang sa mga daliri nito. O, baka may sakit o deperensya ito sa balat? Kaagad namang tumayo ang kaibigan at nilapitan siya. "Okey lang naman ang baby mo," anito. "Pero ikaw? Kumusta? Hindi ka ba nahirapan sa panganganak?" Naalala niya. Para na siyang mamamatay sa sobrang sakit habang nagli-labor kanina. Pakiramdam niya, hinahati ang buo niyang katawan! Parang gusto niyang sumigaw at sumuko na ngunit alam niyang hindi pwede dahil may buhay na nakasalalay sa kanya. Buhay na siya ang responsable. "Mukhang mahirap nga," narinig niyang sambit ni Jona. Marahil ay kita nito ang sakit at hirap na k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD