Unang sahod...hindi niya maipaliwanag ang tuwang kanyang nadarama nang mahawakan niya ang kanyang unang sahod. Nanginginig pa siya ng makita kung magkano iyon. Halos umabot iyon ng forty thousand pesos. Thirty thousand lang talaga ang fix salary niya pero katulad nga ng sinabi ni Salve, kapag maayos ang trabaho, bukod sa sweldo mo, may incentives kapang natatanggap. Grabe nga lang ang sakit ng katawan at pagod na kanyang dinanas. Pati nga kamay niya, may mga sugat-sugat na. Nanibago siguro sa sabon na gamit niya. Pero sa ngayon, medyo nakakapag-adjust na siya. May mga techniques na siyang ginagawa upang mapadali ang kanyang trabaho without sacrificing the quality of her work. Tamang-tama, day off niya ulit bukas kaya maipapadala na niya agad ang kanyang sahod kay Jace. Kahit mahirap ang t

