Sa oras na iyon, ka-chat niya si Jace at ngali-ngali niyang sabihin dito na naroon si Dave. Gusto niyang magsumbong...gusto niyang sabihin dito na naroon ito at kinukulit siya pero batid niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan kapag sinabi niya 'yon. Ayaw niyang magalit at sumama ang loob nito...at sa tingin niya ng mga panahong iyon, 'yon ang tama kaya hindi na lang niya sinabi. "Baby," tawag ulit ni Dave sa kanya. Mariin siyang napapikit, pinananalagin na sana walang nakarinig ng tawagin siya nitong baby. Having Dave around was a distraction and it's not helping her. Hindi na niya alam kung ano ang pwede niyang gawin para lumayo ito sa kanya! At ang katotohanang nakayanan siya nitong takutin para sa sarili nitong kapakanan, sapat na para mawala ang katiting ng pagkilala niya dit

