Mga kalahating oras din silang nag-usap na mag-anak at kahit paano ay gumaan ang kanyang kalooban. Ngunit nang matapos ang kanilang pag-uusap, parang mas nakaramdam siya ng lungkot. The silence was deafening and it just adds to her loneliness. Pero wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang kanyang loob dahil mapupunta lang sa wala ang lahat ng kanyang sakripisyo kung ngayon pa siya susuko. Oo, mabaliw-baliw na siya sa sobrang lungkot at homesick na kanyang nararamdam pero kailangan niyang paglabanan ang lahat ng 'yon. Mabilis siyang bumangon ng maalalang may kailangan pa siyang linisin na toilet sa labas ng villa. Last na naman 'yon kaya batid niyang matatagalan din siya roon dahil parang isang buong kwarto na ang toilet doon. Nakita na niya iyon kanina at masasabi niyang halos kasing la

