Nang pumasok sa isang luxury residential area ang sasakyan na sumundo sa kanya, kulang ang salitang gulat at pagkamangha sa ganda at lawak na kanilang dinadaanan. Batid niyang sa isang villa siya magtratrabaho kung saan nakapaloob iyon sa isang sikat na golf state sa Dubai. Open ang landscape noon at napakaluntian ng paligid. Napaka-elemental ng tema ng naturang lugar that it feels homy and earthly. Mukhang hindi niya malilibot ang buong lugar kung lalakarin niya lang iyon. Pagkarating niya ng villa, naroon na kaibigan ng kanyang Auntie Myra, nag-aabang sa kanya. Thankfully, nakakita rin siya ng kabayan niya. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. "Follow me," anito saka naglakad na ito kaya wala siyang nagawa kundi ang mabilis itong sundan. Mukhang masungit, sa isip niya. Sa may ba

