Samantala ng mga panahong 'yon, akala ni Ara, okey lang siya. Na sanay na siya sa sitwasyon niya sa ibang bansa. Na natutunan na niyang pakibagayan ang lungkot at sakit pero hindi pala. Dahil may mga pagkakataong bigla na lang siyang natutulala at napapatanong sa kanyang sarili kung ano ang kanyang ginagawa sa naturang bansa. Kahit pa may kasama siyang Pilipino sa kanyang pinagtatrabahuhan, iba pa rin kapag nasa sariling bansa ka. "Kabayan, malungkot ka na naman." Napalingon siya ng marinig ang boses ni Marco. Bago ito sa naturang villa at siyang nagsisilbing gardener. Nasa bente singko anyos pa lang ito ngunit naroon na rin, nakikibaka at umaasang giginhawa ang mga magulang nito sa probinsya. "Huwag mo na lang akong pansinin," sagot niya habang ipinagpapatuloy ang paglilinis. Lahat na

