Bilang isang lalake, oo, humahanga siya sa kagandahan ng isang babae lalo na 'yong tipong palaban at kayang dalhin ang sarili ng mag-isa. Pero never niyang naisip na pumatol sa isang babae dahil lamang may gusto siyang makuha mula rito o gusto niyang maangkin ito. He's far beyond like that. Kung noong bata-bata pa siguro siya, pwede pero ngayon na may anak na siya at may Ara. Hindi niya alam kung bibilib ba o maiinis kay Monique. Napailing siya saka tinangkang buksan ang pinto ng kotse nito sa gawi niya. "Mag-aabang na lang ako ng ibang masasakyan," sambit niya. Subalit hindi na niya nagawa ang kanyang sinasabi ng tuluyang paandarin nito ang sasakyan. May pilyang ngiti sa mga labi nito habang diretsong nakatingin sa unahan. "Grabe ka naman! Hindi ka na mabiro!" tatawa-tawang sabi n

