It was supposed to be a happy day dahil celebration iyon ng anniversary ng kanyang Auntie Myra at Uncle Rene ngunit nang dahil sa kanya kaya nabahiran iyon ng awkwardness at lungkot. Naging mabigat tuloy ang pakiramdam ng lahat. Mabuti na lang at kasama niya si Jona, kung hindi mas lalong hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. "Auntie, paano niya nakontak si Jace?" tanong ni Jona. Kaswal lang ang pagtatanong nito na akala mo, walang issue na nangyari. "Kasi kahit anong tawag at chat ko sa kanya, wala akong nakuhang maski isang sagot mula rito. Anong ritwal ang ginamit niyo?" "Karisma at kagandahan ko siyempre!" Naging mabilis ang kamay niya sa pagbibigay ng tubig kay Jona ng sunod-sunod itong ubuhin. Halos hindi ito makahinga dahil sa isinagot ng kanyang auntie. Nab

