Kinuha nga ng kanyang Auntie Myra ang numero ni Jace mula kay Jona. Kung paano nito kokontakin ang binata, hindi niya alam. Siya kasi. kahit anong tawag at text niya rito, wala siyang nakuhang sagot. Bukod sa nanawa na siya, hindi na niya kayang ibaba ang kanyang pride dahil ubos na...wala na siya noon. Sa tingin nga niya, kung nagkataong nakikita pa niya ito, baka naglumuhod siya at nagmakaawa na balikan siya nito. Pero ngayon, tatlong buwan na rin ang lumipas, hindi na siya umaasa na babalik pa ito at pananagutan siya. Tama na. Hindi na niya ibababa ang kanyang sarili para dito. Hindi na niya hahayaang yurakan nito ang kanyang pagkatao. Tama na. Sobra na. Two-thirty ng madaling araw. Kita niyang online ang kanyang nanay. Naroon ang kagustuhan niyang tawagan ito at sabihin dito ang kan

