Sa pagdaan ng mga araw, lalong naging mahirap ang lahat para sa kanya. May mga pagkakataon kasing dalawa o tatlong oras lamang ang kanyang itinutulog kaya madalas ay hilo siya at lutang. At alam niyang hindi iyon magiging maganda para sa kanyang kalagayan.. Ngunit paano nga ba siya makakatulog kung sa bawat pagdaan ng mga oras ay hindi maalis sa kanyang isipan ang mga alaala ni Jace. Mga alaalang lalong nagpapahirap sa kanyang sitwasyon dahil kahit anong pilit at kumbinse niya sa sarili na kalimutan na ito, hindi niya talaga maiwasan. Oo, makakalimot siya saglit pero bigla na lamang itong sasagi sa iyong isipan at hindi mo na mamamalayan na umiiyak ka na naman pala. Three months. Tatlong buwan magmula nang huli niyang makita ang binata at hanggang ngayon, ang sakit na dulot ng pagkawala

