Buong akala niya, okey na ang lahat ng maipanganak niya ang baby nila ni Jace. Ang pag-aalala niya sa pinagdadaanan ng kaibigang si Jona ay agad na nawaglit sa kanyang isipan ng makausap nila ang pedia ni baby Noah. "I'm afraid that you can't go home yet," ani Doktor Franco ng makausap nila ito. Nagkatinginan sila ni Jace, naroon ang pag-aalala sa kanilang mga mata. "Bakit, doc? May problema po ba sa baby namin?" Naramdaman niya ang paggagap ng mga kamay ni Jace sa kamay niya waring doon kumukuha ng lakas sa maaari nilang marinig. "Kailangan ko pang mag-conduct ng further test sa baby niyo. We saw that your baby has this irregular breathing pattern, " paunang paliwanag sa kanila. "We have observed that your baby oftentimes breathes faster than usual, then would take long pauses betwe

