Chapter 11

2083 Words
Hanggang sa oras ng kanyang trabaho, hindi pa rin mapakali si Jace. Hindi naman niya matawagan si Arabella upang ipaliwanag dito ang kanyang side dahil batid niyang ayaw nito ng nai-istorbo sa trabaho. And besides, hindi rin naman niya ma-contact ang numero nito. Dumagdag pa itong kaibigan niya na hindi niya maintindihan kung ano gusto ba nitong magbati sila ni Ara o kung gusto nitong buwagin ang relasyon nila na ngayon pa nga lamang nag-uumpisa. Panay kasi ang send nito ng mga pictures na lalong nakakapagpatuliro sa kanyang utak. Nang dumating ang break time nila, hindi na siya nakatiis at tinawagan ito. Nakailang ring pa muna bago nito sinagot ang tawag niya. "Ano na naman ba ang probema mo?" agad nitong bungad sa kanyang nang sagutin nito ang tawag. "Hindi mo ba alam na busy kami ngayon?" "Gusto ko lang malaman kung kumusta si Arabella-" "Humihinga pa naman siya," putol nito sa sinasabi niya. "At huwag kang mag-alala, magiging okey pa rin siya kahit wala ka! Kaya pwede ba, huwag ka munang istorbo sa trabaho namin!" "Jona, gusto ko lang siyang makausap sandali. Kanina ko pang tinatawagan pero patay na naman ang telepono niya, eh." "Ang gulo niyong dalawa! Panay ang tawag niya sa'yo kanina pero hindi mo naman sinasagot ang mga tawag niya! Ang malala, pinagpatayan mo pa! Sa tingin mo, anong mararamdaman mo kung ikaw ang pinagpatayan?" Halatang pilit nitong hinihinaan ang boses pero ramdam niya ang gigil sa bawat salita nito. "Tapos ngayon, ikaw naman ang hindi mapakali at panay ang tawag sa kanya? Diyos ko! Pagbubuhulin ko kayong dalawa, eh!" "Please, kahit saglit lang. Gusto ko lang siyang makausap." Nakuha naman ni Jona ang ibig ipahiwatig ng kaibigan nang makita niya itong panay ang iling. Malamang, alam nitong si Jace ang kausap niya. Sininyasan niya itong lumapit sa kanya ngunit lumayo lang ito at pilit inabala ang sarili sa trabaho. "Mamaya ka na lang tumawag. Hindi ka talaga kakausapin no'n lalo na at oras ng trabaho. Hindi lang kayo magkakaintindihan kapag ipinilit mong kausapin siya ngayon," paliwanag ni Jona rito. "Jona..." "Hay, naku! Tigilan mo 'ko! Ba-bye na nga!" Wala nang nagawa si Jace ng putulin na ni Jona ang tawag. Inis na naihilamos niya ang magkabilang palad sa kanyang mukha. Frustration was all over his face. At ngayon lang siya nagka-ganito pagdating sa isang babae! Hindi tuloy maiwasang maging mainit ang ulo niya pagdating sa trabaho. Kaunting pagkakamali ng kanyang mga tao, umiinit agad ang kanyang ulo na dati naman ay hindi ganoon. Na kung madadaan naman sa mahinahon at maayos na pakiusapan, ay pag-usapan na lang. Panay din ang tingin niya sa kanyang suot na relo kung anong oras na dahil binabantayan niya ang oras kung labas na ba sa trabaho ang dalaga. Limang minuto makalampas ng alas dos, agad niyang tinawagan ang dalaga ngunit katulad ng ginawa niya kanina, ito naman ang hindi sumasagot sa kanyang mga tawag. Labis na pagkayamot ang kanyang nadarama ng mga oras na iyon. He badly wanted to talk to her but she doesn't answer his calls. Nag-type siyang mensahe dito. "Love, sorry na. Please answer my calls." Agad niyang ipinadala ng mensahe hoping that she'll reply right away. Pero ilang minuto pa ang lumipas bago siya nakatanggap ng sagot mula rito. "Busy ako." Inis na siyang napasabunot sa kanyang buhok. Mukhang gumaganti ito sa kanya dahil kung ano ang reply niya rito kaninang umaga, siya rin nitong sagot ngayon. "Love, naman! Huwag ka ng magalit, please. Sorry na." Panay ang tingin niya sa screen ng kanyang cellphone, hinihintay ang sagot nito ngunit wala na siyang natanggap na reply. Kaya hindi na siya nakatiis at tinawagan na ito. Kasalukuyan din namang breaktime nila kaya may oras siya para tawagan ito. Mabuti na lang at sinagot nito ang kanyang tawag. "Busy ako, sabi ko," agad nitong bungad sa kanya. "Sorry na..." HIndi ito sumagot. Napahinga siya nang malalim. "Sorry na, please...kausapin mo na ako. Kahit saglit lang..." "Sabi mo kanina, busy ka 'di ba?" Nahiwatigan niya ang yamot sa boses nito. "Tapos ngayon, tatawag-tawag ka?" "Sorry na..." "Bakit ka ba nagso-sorry? Ano bang kasalanan mo?" Natameme siya sa naging tanong nito. Nahihiya naman siyang aminin na rito na nagselos siya sa nakita niya kanina. Baka mamaya sabihin nito na wala siyang karapatan na magselos dahil wala naman silang relasyon. And besides, napansin naman niya kanina na parang nabigla rin ang dalaga sa mga nangyari. Hindi niya lang talaga napigilan ang sarili na hindi magselos. "Love..." Mababa at puno nang pagsusumamo niyang tawag dito. "Sorry na nga..." Natahimik naman sa kabilang linya si Arabella. Sa paulit-ulit kasing paghingi ng sorry ng binata sa kanya, batid niyang nagiging marupok na naman siya. Pero kung tutuusin, ano ba talaga ang ipinagpuputok ng kanyang butse? Dahil ba hindi sinagot ni Jace ang tawag niya kanina? Dahil ba pinagpatayan siya ng tawag? Mga bagay na kung tutuusin ang napakababaw na dahil para magkatampuhan sila ng ganito. Hindi pa rin siya nagsasalita. Naiinis kasi siya at ayaw naman niyang may masabi siya rito na pagsisisihan lang niya sa huli. Sinisikap naman niyang maging reasonable ngunit mas nananaig pa rin ang inis na kanyang nadarama. Kapag naaalala niya ang paulit-ulit niyang pagtawag rito at sa huli ay nagawa pa siyang pagpatayan nito ng tawag, lalo siyang naiinis! "Sorry na, love..." Mariin siyang napapikit ng marinig ang malambing nitong boses. Kasabay noon ay ang pagitaw ng gwapo nitong mukha sa kanyang isipan. Nai-imagine pa niya ang masuyo ngunit may pagkapiliyong pagngiti sa kanya. "Mamaya na tayo mag-usap." Sa huli ay hindi siya nakatiis na hindi ito kausapin. Naririnig niya kasi na mag-uumpisa na ulit itong magtrabaho. Ayaw naman niyang mag-isip pa itong ng kung ano-ano at ma-distract pa ang trabaho nito. "Baka hindi mo na naman sagutin ang tawag ko." "Sasagutin ko." "Galit ka, eh? Saka baka hindi mo na ulit ako kausapin mamaya..." Kahit kailan talaga ay napakakulit nito. "Isang reklamo mo pa at hindi na talaga kita kakausapin!" Hindi na niya napigilang hindi magtaas ng boses dito. Dahil na rin siguro sa iritasyon at pagod niya ng araw na iyon kaya mainit na rin ang ulo niya. "Love, naman..." "Mamaya ka na lang tumawag, please. Pagod talaga ako ngayong araw," pakiusap niya rito. "Saka may trabaho ka pa 'di ba? Promise, kakausapin talaga kita mamaya kapag tumawag ka." Doon na napangiti ang binata. "Galit ka pa rin ba sa 'kin?" Hindi niya natiis na itanong dito. "Magtrabaho ka na..." "Bye, love. Tatawag ako mamaya, okey?" "Ang kulit!" Kunwari ay reklamo niya ngunit sa totoo langa ay kinikilig siya sa paulit-ulit nitong pagtawag ng love sa kanya. "Ba-bye na..." Napailing na lang si Jace nang marinig niyang pinatay na talaga ng dalaga ang tawag. Hindi man lang siya hinintay na makapamaalam din. Napatda naman siya nang sa paglingon niya, lahat pala ng mga tao niya ay nakamaang sa kanya, lahat ay may sinusupil na ngiti sa mga labi. "Grabe ang ngiti ni Boss, ah!" tukso ni Raul. Isa ito sa kinuha niyang tao para maglinya ng kuryente sa bahay na ginagawa nila. Siya ang nagplano at naglinya ng kuryente at tubig sa naturang bahay. It was a two-story house with three bedrooms. Isa sa baba at dalawa sa itaas. In just two days, matatapos na nila iyon. And in just two weeks, matatapos na rin niya ang dalawa pa niyang project. "Tigilan mo ako, Raul! Bilisan mo na lang magtrabaho para nakauwi tayo nang maaga!" "Sus! Tinatago mo pa 'yang lovelife mo, eh, kita na naman na abot-tainga ang ngiti mo!" Patuloy ang panunukso nito. "Wala bang pa-burger diyan?" "Kapag sinagot na ako!" pasigaw niyang sagot sabay talikod sa mga ito. Narinig pa niya ang kantiyawan ng mga ito bago siya tuluyang nakalayo. Siya naman ay napangiti na lang pagkatapos ay kinuha niya ang iba pang electric materials na gagamitin nila saka inabala na ang sarili sa pagtratrabaho. Samantala, hindi naman maganda ang pakiramdam ni Arabella kaya pagkatapos niyang makipag-usap kay Jace ay agad siyang nahiga sa kanyang kama. Hindi na rin niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising na lang siya dahil sa marahang yugyog ni Jona sa kanya. "Friend, okey ka lang ba?" Narinig niyang tanong nito. "Bumangon ka saglit. May binili akong lugaw sa kanto. Kumain ka muna bago uminom ng gamot." Hindi naman maiwasang mag-alala ni Jona sa kalagayan ng kanyang kaibigan. Nauna kasi itong umuwi dahil nakiusap ang kapalitan niya na mag-extend siya ng isang oras sa trabaho dahil may emergency lang daw sa pamilya nito. Nang madatnan niya ito, balot na balot ito ng kumot at nangangatog sa lamig. Kaya hindi siya nagdalawang-isip pa. Agad siyang nagpunta sa kanto upang bumili ng gamot nito at nang may nakita siyang nagtitinda ng lugaw, ibinili rin niya ito. Pinilit namang bumangon ni Arabella kahit pa ramdam niyang ang pananakit ng kanyang ulo. At kahit anong pigil niya, kusang nangangatog sa lamig ang kanyang katawan. Nakita niyang hinila ni Jona ang lamesitang naroon patungo sa kanyang harapan saka doon ipinatong ang mangkok na may lamang mainit na lugaw. Naroon na rin ang lagayan niya ng tubig saka ang gamot na hula niya ay binili nito sa labasan. Pinilit din niyang ubusin ang lugaw saka niya ininom ang gamot na naroon. Hindi pwedeng tumagal ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi pwede. Siya rin ang mawawalan kapag nagkataon. Bumalik ulit siya sa pagkakahiga dahil sumasakit talaga ang ulo niya. Ramdam niya rin ang pananakit ng kanyang lalamunan. Pati ang buong katawan niya, ramdam niya ang panghihina. Ipinikit niya ang mga mata, umaasang sa ganoong paraan man lang ay maiibsan ang sakit ng ulo na kanyang nadarama. Maya-maya lamang ay nakatulog na ulit siya. Hindi na niya namalayan na tumunog ang kanyang cellphone, panay pangalan ni Jace ang nakarehistro. Nagmamadali namang tumayo si Jona upang patayin ang nag-iingay na aparato. Katutulog lang ulit ng kaibigan at gusto niyang makapagpahinga pa ito. Hininaan niya rin ang volume noon para hindi na iyon maka-istorbo sa kaibigan. Pero maya-maya lamang, ang cellphone naman niya ang sumunod na nag-ingay. Napa-irap na lang siya nang makitang si Jace ang tumatawag. "Bakit?" pabulong niyang tanong dito. Agad niyang nilinga ang kaibigan nang marinig ang bahagya nitong pag-ungol. Lumipat siya sa tabi nito at nag-aalalang pinagmasdan ito. Siya ang kinakabahan sa kalagayan nito ngayon. "Galit pa rin ba si Arabella sa 'kin? Kanina pa ako tumatawag sa kanya pero ni isa, wala siyang sinagot sa mga tawag ko." Bahagyang inilayo ni Jona ang cellphone sa kanyang taingan dahil sa lakas ng boses ni Jace sa kabilang linya. Nai-imagine niya ang itsura nito ngayon. Malamang, salubong na naman ang kilay nito at mga titig nito, parang lalamunin ka. Kahit matagal na niya itong kaibigan, maski siya nangingilag kapag seryoso ito. May awra kasi ito na nakaka-intimidate. "Nabibingi ako sa boses mo!" reklamo niya. "At pwede ba, tigil-tigilan mo ang pag-iisip ng kung ano-ano sa kaibigan ko! Kita mo't may sakit nga nagyon!" "Ano! Bakit? Anong sakit niya? Nadala mo na ba sa ospital? Naipa-check up mo na ba?" Naging sunod-sunod ang mga tanong ni Jace. Bigla ang salakay ng kaba at pag-aalala sa kanyang dibdib. "Jona! Ano?" Napangiwi na lang si Jona. "Huminahon ka nga! Huwag kang OA!" "Ano nga? Ano ba kasing nangyari sa kanya?" "Nilalagnat kasi. Pero huwag kang mag-alala, napa-inom ko na siya ng gamot. Pero sana nga lang ay hindi na lumala pa." "Oh my God!" Hindi naman mapakali si Jace. Nag-aalala talaga siya. Kung sana lang ay nasa tabi niya ang dalaga, 'di sana siya ang nag-aalaga rito ngayon. "On mo naman ang camera mo, gusto ko siyang makita." Bumungad sa paningin ni Jace ang dalaga na tulog na tulog at balot sa kumot. Kunot ang noo nito na tila ba may kung anong dinaramdam. Ang mapupula nitong labi ay bahagyang kumikibot-kibot na tila bumubulong ng mga salita. "Love..." Napatda si Jace nang marinig ang sinambit ng dalaga. Maging si Jona ay nagulat sa sinabi ng kaibigan. Pero mas lalo siyang nagitla sa muli nitong sinabi. "I love you." Narinig pa ni Jona ang marahas na pagsinghap ng kaibigan sa kabilang linya. Marahil ito man ay hindi inaasahan ang salitang nanggaling sa bibig ni Arabella. Isang nakakalokong ngiti ang nabuo sa kanyang mga labi pagkatapos noon ay pinatay na niya ang tawag at hindi binigyan ng pagkakataon ang kaibigan na makapagsalita pa. At sa tuwing tatawag ito, agad niyang kina-cancel ang tawag nito. "JONA!" basa niya sa chat ni Jace. Mukhang siya ang nasisiyahan sa landian ng dalawa niyang kaibigan, ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD