Chapter 12

2002 Words
Nang gabing iyon ay hindi magawang makatulog ng binata dahil sa sobrang pag-aalala. Tinangka niyang tawagan ang numero ng kaibigan ngunit ito man, hindi na niya ma-contact. Nang tingnan niya ng relo sa kanyang kwarto, lampas ng alas diyes ng gabi pero batid niya magagawang matulog nito hangga't hindi niya nalalaman ang kondisyon ng dalaga. Maya-maya, hindi na siya nakatiis. Kinuha niya ang wallet niya at susi saka nagtungo sa labas kung saan nakaparada ang motor niya. "Anak, gabi na, ah! Saan pa ng punta mo?" Bago pa man siya makaalis ay narinig niyang sambit ng Nanay Medy niya. "May bibilhin lang ako, Nanay," tugon niya. "Saglit lang ho ako." Tumango ito. "Ay! Dahan-dahan sa pagmamaneho, ha..." "Sige ho." Pagkatapos noon ay agad niyang binuhay ang kanyang motor saka nagmaneho patungo sa kung saan may bukas pang tindahan. Mabuti na lang at hindi na siya gaanong lumayo dahil bukas na naman ang tindahan sa may b****a ng kanto papasok sa kanila. Hindi man niya madalas gawin pero nang gabing iyon ay naisipan niyang bumili ng alak upang kahit paano ay pawiin ang ligalig at pag-aalalang nadarama. Baka sakaling makatulog na rin siya pagkatapos. Hindi naman siya magpapakalasing, just a few shots to calm his nerves. Pagkarating niya ng bahay, agad siyang nagtungo sa kusina. Nadatnan niya roon ang kanyang tatay na gising pa at nagkakape. "Hindi ka rin ba makatulog?" tanong nito sabay tingin sa bitbit niyang alak. Pagkuwan ay nagtaas ito ng tingin sa kanya,wari bang pinag-aaralan ang kanyang pinagdadaanan. "Babae ba?" Napangiti na lang ito nang hindi siya sumagot. "Kung may hindi kayo pagkakaintindihan, huwag mo nang palakihin pa. Kahit siya ang may kasalanan, ikaw na ang magpakumbaba at humingi ng tawad. Hangga't maaari kung kaya namang pag-usapan nang masinsinan, pag-usapan na. Hindi 'yong palalakihin niyo pa ang issue!" "Tatay, hindi pa nga ho ako sinasagot, eh!" Tinagayan niya ang kanyang shot glass saka mabilis iyong itinungga. Agad gumuhit ang mainit at mapait na likido sa kanyang lalamunan. Palibhasa, madalang naman siya mag-inom at kadalasan pa, mas gusto niyang mag-inom ng mag-isa. He hates too many people around him lalo na kung maliligalig ang kaharap niya. Maligalig na nga siya tapos ang kaharap niya ay gano'n din, so ano nang mangyayari kung isa sa kanila ng uminit ang bait? Kaya mas pinipili niyang mag-isa na lamang. Iwas pa sa gulo. "Aba'y! Bilis-bilisan mo, Jace! Matanda ka na, ha? Kailan ka ba mag-aasawa?" "Malapit na 'Tay. Malapit na..." sambit habang ang dalaga ang naiisip. "Gusto ko, bigyan mo agad ako ng apo." Kung makapagsalita ang kanyang tatay, akala mo naman ganoon lang kadali ang sinasabi nito. And besides, hindi pa nga siya sinasagot ni Arabella, eh! Kaya mukhang malayo ang hinihinging apo ng kanyang tatay. "Tatay, gusto ko lang ipaalala na hindi pa ho ako sinasagot," paliwanag niya. "Saka magkaka-apo na rin naman kayo sa Kuya Ronan, ah! Huwag muna galing sa akin dahil malayo pa ho iyon" "Basta! Bigyan mo ako ng apo bago man lang ako mamatay!" "Malayo pa rin ho ang araw ng kamatayan niyo! Masama kayong damo 'di ba?" tukso niya sa ama. Kung saan-saan na kasi napupunta ang usapan nila, eh! Una'y sa apo ngayon naman ay sa pagkamatay na! "Kita mo 'tong batang 'to! Kinakausap nang maayos, eh!" Kuway reklamo nito ngunit batid niyang natutuwa ito sa kaalamang may babae na siyang napupusuan. Alam kasi nito kung gaano siya kapihikan pagdating sa babae. Hindi rin naman siya 'yong tipo na basta na lamang papasok sa isang relasyon dahil lamang sa isiping magkakaroon siya ng matatawag na girlfriend. Hindi siya gano'n! Dahil naniniwala siyang ang pagpasok sa isang relasyon at ang katotohanang may dalawang taong nagmamahal ay isang mahiwagang biyaya! Dahil sa totoo lang, kahit anong isip niya kung paanong tumitibok ang puso ng dalawang tao para sa isa't isa, wala siyang maisip na dahil! Napaka-magical lang 'di ba? Parang ang nararamdaman niya para kay Arabella. Hindi pa man niya ito nakikita ng personal pero naa-amaze siya na ganoon na agad ka-intense ang nadarama niya para dito. "Kuh! Ang batang ito, na-love lamang ay naging lutang na ang isip, eh!" Kantiyaw ng kanyang tatay. "O, siya. Ako'y mahihiga na rin at sumasakit na naman ang aking likod." Tumango lang siya bilang tugon. Nakasunod ang tingin niya sa kanyang ama habang papasok ito sa kwarto nilang mag-asawa. Naiintindihan naman niya ang kanyang ama kung bakit gusto na nitong magka-pamilya na siya. He's already thirty-two, supposedly dapat may asawa na siya katulad ng dalawa niyang kapatid na ngayon ay pareho ng may asawa. Dinukot niya ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng suot niyang shorts, pagtingin niya, kinse minuto makalampas ng als onse ng gabi. Sinubukan niyang tawagan ulit ito si Jona pero patay pa rin ang cellphone nito. Hindi naman niya magawang tawagan si Arabella dahil alam niyang nagpapahinga ito. Sa huli ay nagtipa na lang siya ng mensahe para kay Jona na tawagan siya at balitaan tungkol sa dalaga. Pagkatapos ay iniligpit na niya ang kalat niya saka nagtungo na sa kanyang kwarto. Dahil na rin siguro sa pagod at epekto ng alak kaya maya-maya lamang ay nakatulog na rin siya. Samantala bandang alas tres ng madaling araw nang magising si Arabella. Dahan-dahan siyang bumangon, pilit inaalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Saka niya naalalang pinakain at pina-inom siya ng gamot ni Jona. Kinapa niya ang sarili, mukhang okey na naman siya. Wala na siyang lagnat pero ramdam niya ang panlalambot ng kanyang katawan. Ramdam niya rin ang panunuyo ng kanyang lalamunan kaya inabot niya ang tubigan niya na nakapatong sa isang lamesita. Halos maubos niya ng laman noon. Maya-maya, naalala niyang tatawag nga pala si Jace sa kanya. Agad niyang kinapa ang cellphone sa kamang kinahihigaan. Nakita niyang nakailang tawag ang binata sa kanyang number tapos may ilang mensahe rin itong ipinadala, tinatanong kung galit pa rin ba siya. Pero sa huli, mukhang nalaman nitong masama ang kanyang pakiramdam kaya panay ingat at magpahinga ka na at laman ng mga mensahe nito. Mabilis siyang nagtipa ng mensahe rito. "Pasensya ka na kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo, masama kasi ang pakiramdam ko kagabi. Pero medyo okey na ako ngayon." Nilagyan niya ng heart emoji ang dulo ng mensahe bago niya iyon ipinadala. Pagkatapos noon ay nagtungo siya sa cr upang magbawas saka magpalit na rin ng kanyang damit. Nang makaramdam ng gutom, kumuha na lang siya ng isang cup noodles saka biskwit upang kainin. Pagkatapos ay uminom na ulit siya ng gamot . Mas lalong umaliwalas ang pakiramdam niya pagkatapos noon. Saka siya nahiga ulit. May kalahating minuto rin siguro ang nakakalipas nang makita niyang umiilaw ang kanyang cellphone, nakita niyang si Jace ang tumatawag. Agad niyang sinagot ang tawag nito. "Hi," namamaos niyang bungad dito. Umayos siya ng higa pagkatapos ay idinikit ang kanyang cellphone sa kanyang tainga. "Love, okey ka lang ba?" Nahiwatigan niya ang pag-aalala sa boses ng binata. Kahit paano, nagdala iyon ng saya sa kanya. "Saka, bakit gising ka na? Dapat nagpapahinga ka pa rin ngayon!" "Okey lang naman ako. Medyo nananakit lang ang katawan ko." "Kaya nga. 'Di ba sinabi ko na rin sa'yo na huwag mong masyadong abusuhin ang katawan mo?" Narinig niya ang paghinga nito nang malalim. "Alam ko naman ang kagustuhan mong tumulong sa pamilya mo pero hinay-hinay din minsan sa pagtratrabaho." Hindi niya maiwasang mapataas ang kilay sa narinig. "Kung makapagsalita naman 'to! Sino kaya sa ating dalawa ang matigas ang ulo at pinagsasabay-sabay ang trabaho?" "Love, hindi ako ang issue rito, okey? Ang sa akin lang naman, alagaan mo naman ang sarili mo." "Bakit ang sweet-sweet mo?" Marahil ay nabigla niya ito sa kanyang tanong. Ilang segundo rin kasi siyang walang narinig mula rito. "Baby? Honey?" pang-aasar niya rito. "Love?" "Tigilan mo 'ko, Arabella!" Pigil-pigil niya ang kanyang tawa nang marinig ang inis sa boses nito. Pero maya-maya lamang ay mariin siyang napapikit ng makaramdam ng pagsigid ng kirot sa kanyang ulo "Huwag ka munang maingay, please....sumakit bigla ang ulo ko," pakiusap niya. Ang isa niyang kamay ay marahang hinihilot ang parteng sintido niya, umaasang baka sakali ay maiibsan ang pananakit ng kanyang ulo. "Love..." puno ng pag-aalalang sambit ni Jace. "Okey lang ako." Kasunod noon ay walang pag-uusap na namagitan sa kanila. Hindi rin naman nagsalita si Jace katulad ng pakiusap ng dalaga sa kanya. Nakuntento na siyang pakinggan ang mabini nitong paghinga mula sa kabilang linya. Pero makalipas ang ilang sandali, hindi na siya nakatiis. Siya na ang unang bumasag sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Gusto mo, kantahan kita?" Napangiti ang dalaga. "Hmm...anong kakantahin mo para sa 'kin? Gandahan mo ang pagkanta, ha?" Jace could be a singer, too. Sa maraming beses na magkausap sila, ilang beses na rin niya itong narinig na kumanta. And right there, she always look forward of hearing his voice again. Hmm, Isang makalumang kanta ang kinanta nito ngunit ginawan nito ng sariling rendition na medyo makabago. Ewan ba niya pero kapag naririnig niyang kumanta si Jace, hindi niya namamalayan na napapangiti na pala. He has that effect on her. Para bang naninikip ang kanyang dibdib na hindi niya maintindihan. Parang gusto niyang yakapin siya nito nang mahigpit. Wala siyang nagawa kundi ang pumikit at namnamin ang malamig at malamyos nitong tinig. At that moment, she's imagining that they're together hugging each other while talking about random things. Hindi niya alam na may ganoon palang epekto ang pagkanta ni Jace sa kanya. Dahil ng mga oras na iyon, kahit paano ay umaliwalas ang kanyang pakiramdam. He has that soothing effect on her. Hindi niya alam pero naiiyak siya na kahit sa ganoong sitwasyon sila nagkakilala ng binata, gano'n na kalalim ang realsyon sa pagitan nilang dalawa. Label na lang ang kulang sa kanilang dalawa. "Love, nagustuhan mo ba?" tanong ng binata sa kanya. "Super." Muntik pang pumiyok ang kanyang boses ng magsalita siya. Natutuwa lang siya na nakilala niya ito at nagkaroon siya ng chance na ma-experience kung paano tratuhin ng binata kahit sa cellphone man lang. Ang tuwang nadarama niya habang kausap ito ang nagsilbing kasiyahan niya kapag tinatamaan siya ng lungkot at pangungulila. "Huwag ka munang pumasok, ha? Baka mabinat ka pa." Muling paalala ni Jace. "Hindi nga..." "Love?" "Hmm?" Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa kanyang tainga nang hindi na umimik pa si Jace sa kabilang linya. Akala niya wala na siyang kausap pero naroon pa naman ito. "Jace?" "May chance ba ako sa'yo?" Out of nowhere ay naitanong ni Jace. "Mali pala ang tanong ko," dugtong pa nito. Arabella was caught off guard by the question. Hindi agad siya nakasagot. "Kailan mo ba ako balak sagutin?" "Kapag nagkita na tayo in person. At kapag naramdaman kong you're the only man that my heart and soul is searching for, you can have me. Aaminin ko, mahala na nga siguro kita pero hindi ibig sabihin noon na sasagutin na kita agad. It's not all about love, Jace. It's about respect and trust, and the commitment of loving someone despite everything. Para sa akin kasi, madaling mag-fade ang love. Pero ang respeto...kung nire-respeto mo ang isang tao, takot kang makagawa ng mali sa kanya. Takot kang masaktan siya. At 'yong commitment na sakali mang maging malubak at mahirap ang sitwasyon natin, pipiliin mo pa rin bang manatili sa tabi ko kahit mahirap o gugustuhin mo na lang na kumalas at sumuko na lang? Mahirap akong mahalin, Jace." Naroon ang pangamba sa puso ng dalaga pero it's now or never. "Kaya mo bang mahalin ang tulad ko?" panghuli niyang tanong dito. At ang puso niya, labis na nasasaktan sa isiping isa lamang si Jace doon sa mga taong dadaan sa kanyang buhay at sa huli ay magiging isang alaala na lamang. Pero bukod sa sakit na kanyang nadarama, mas lamang ang takot na baka kapag sumugal siya, masaktan lang din siya kapag iniwan siya nito. Na baka isa lang din ito doon sa mga taong dadaan sa kanyang buhay upang matuto siya at maging matatag. Pero hindi ba pwedeng matuto ng hindi nasasaktan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD