Seryoso ang pagkakatanong ng dalaga kay Jace kung kaya ba siya nitong mahalin kahit pa mahirap siyang mahalin. Aminado siya roon. Pero ang siste, tinawanan pa siya ni Jace at paulit-ulit na inaasar habang sinasabi kung gaano siya nito kagusto. Na ginayuma niya raw ito kaya kahit anong ayaw ng isipan nito sa kanya, ang puso nito ay siya pa rin ang itinitibok. Ang walang hiya, mas lalong naging sweet at possessive sa kanya!
Naging constant ulit ang usapan nila through texts at hindi lumalampas ang isang araw na hindi sila nagkakausap. Ewan ba niya, pero sa tagal na nilang magkausap, napapaisip siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nauubusan ng topic kapag magkausap. Minsan kung saan-saan na lang napapapunta ang kanilang usapan pero sa huli, tungkol pa rin sa kanilang dalawa ang nagiging topic nila. Napapailing na lang si Jona kapag nakikita siyang abot tainga ang ngiti habang kausap ang binata.
Kumakain siya ng tanghalian ng biglang may lumapit sa kanya galing likuran. Sa paglingon niya, muntik pang dumampi ang labi niya sa pisngi nito.
"Dave!" gulat niyang sambit ng malingunan ito.
"Baby...kain ka na, ha?" Naroon ang mapanukso at pilyong ngiti sa labi nito. He's there to mess with her again.
Tinadyakan niya ang binti nito ngunit imbes na magreklamo dahil nasaktan, animo maamong tupa itong umupo sa tabi niya.
"Lubayan mo 'ko, Dave! Huwag mong sirain ang araw ko!" inis niyang sambit dito.
"Grabe naman 'to! Siya na nga ang inaalala at dinalhan ng ulam, eh"
Napuno naman ng hiyawan ang likuran nila. Nang malingunan niya, halos naroon ang lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho. Naroon si Ricky at Ronald pati si Jona ay nakita niyang nakikisawsaw din sa tuksuhan.
Marahas niyang siniko sa dibdib si Dave nang tangkain nitong mas lalo pang lumapit sa kanya. Ang awkward lang ng posisyon nila ngayon. Umupo kasi ito paharap sa kanya na tila ba binabantayan siya habang kumakain. Ang ending, parang nasa pagitan siya nito ngayon ng nakabukakang hita nito. Tinangka niyang hilahin ang silyang kinauupuan ngunit hindi man lang niya iyon naigalaw maski kaunti. Mahigpt pala ang kapit ni Dave sa upuan.
"Dave, isa!" saway niya rito.
"Kailan mo ba ako sasagutin?" pabulong nitong sambit. Marahas siyang napalingon sa direksyon ng mga kasamahan niya, mabuti na lang ay mukhang walang nakarinig sa tinanong ni Dave sa kanya.
"Dave, ano ba?" angil niya rito. Ang magkabila niyang kamay ay mabilis na dumako sa dibdib nito upang itulak ito palayo subalit naging maagap ito at nahuli ang kanyang mga kamay.
Pinilit niya iyong hilahin subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Dave roon. Itinapat nito iyon sa may parteng puso nito.
"Feel that, baby?" tanong nito. Ang mga titig nito ay nanatiling nakapagkit sa kanya na tila ba siya lang ang nakikita nito. "Ikaw lang ang itinitibok niya. Alam mo naman 'yon 'di ba?"
Ramdam niya ang sinseridad sa boses nito. Hindi rin niya maiwasang hindi ito titigan. Gwapo rin naman si Dave, 'yong typical boy next door. Matangos ang ilong nito at tama lang ang kapal ng mga labi Pero ang nakakuha agad ng pansin niya noong unang beses niya itong nakita ay ang mga mata nitong brownish. Lalo iyong nagbigay ng awra dito na parang ang bait nito at madaling i-approach. May kaputian ito at malinis tingnan plus the fact that he's doing well in school. Alam niya nasa huling taon na ito sa kolehiyo and hopefully by next year, ga-graduate na ito bilang isang engineer. Civil engineer to be exact.
Aaminin niya, unang kita pa lang niya noon dito ay naging crush na niya ito. Maski naman hanggang ngayon. Ang bango rin naman kasi nito!
"Isa, Dave! Naiinis na ako, ha? Hindi ako makakain nang maayos dahil sa'yo!" angil niya rito. Pero pilit lang niyang pinagtatakpan ang nararaamdaman niya ng mga oras na iyon. Isang malaking tukso si Dave kaya pilit niya itong pinalalayo sa kanya. At hindi nakakatulong ang paglalapit nila ngayon.
Dahan-dahan nitong binitiwan ang kanyang kamay. "I'm sorry. Sige kain ka ikaw. Pero it doesn't mean na titigilan na kita. Dahil sinasabi ko sa'yo, hanggang ikaw ang itinitibok nito," turo nito sa tapat ng psuo nito, "hahabulin pa rin kita hangga't wala akong nakikitang lalake na mas nakahihigit sa akin."
Pagkatapos ay tumayo na ito pero bago pa man ito tuluyang umalis sa tabi niya, yumuko ulit ito at bumulong, "Kumain ka na, okey? And I hope that someday, magkaroon ako ng chance na makain kita! Este...makakain ng kasama kita. Mag-ingat ka palagi, baby."
Hindi siya makapagsalita! Ang mga tingin niya ang nakasunod lang kay Jace na ngayon ay papasok pa lamang. Sobra ang kabang nararamdaman niya ngayon! Kabang hindi niya alam kung saan nanggagaling.
Hinarap niya ulit ang kanyang pagkain, pilit hinahamig ang sarili. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito dati, ah! Tila ba ang presensiya ni Dave ay bumabagabag sa kanya ngayon.
Wala naman siyang gusto dito 'di ba?
Mabilisan niyang tinapos ang kanyang pagkain dahil nagsimula ulit ang pagdagsa ng mga mamimili. Marami rin silang reservations na ngayon ang kuha pati na rin mga deliveries kaya simula pa kaninang umaga ay abala na sila.
Ang dating labas niya na alas dos ay naging alas kwatro ngayong araw. Okey lang naman sa kanya dahil may extra bayad naman 'yon. Pangdagdag din sa ipon niya na pampa-rebond sa birthday niya next month.
Nang mga sumunod na araw at linggo ay naging constant pa rin ang pag-uusap nila ni Jace. Naging routine na nila nag mag-usap tuwing umaga bago siya pumasok at tuwing hapon pagkalabas niya. He's still the sweetest! Kulang nga lang ay label sa kanilang dalawa.
Kalalabas lang niya sa trabaho ng hapon na iyon at kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa apartment nila ni Jona habang kausap si Jace nang bigla na lamang may sumulpot sa kanyang tabi.
It was Dave. Mukhang kagagaling lang nito ng school.
"Hi, baby!" nakangiti nitong sambit. May pagkindat pang kasama.
Agad na tumaas ang kamay niya upang takpan ang bibig nito. Takot lang niya na marinig ito ni Jace. Ngunit imbes na manahimik ito, naramdaman niya ang mainit na dila nito na naglandas sa kanyang palad. Batid niyang hindi siya nito tatantanan hangga't hindi siya nito naaasar.
"Pwede bang tumawag ka na lang ulit?" Nananantiya niyang tanong kay Jace. "May gagawin lang ako saglit."
Agad namang pumayag si Jace dahil may kailangan pa rin daw itong puntahan tungkol sa trabaho nito. Agad naman niyang binalingan si Dave nng matapos ang pag-uusap nila ni Jace.
"Ano bang problema mo?" Hindi niya maiwasang magtaas ng boses. Sobra na kasi minsan ang panghaharot nito sa kanya.
Nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito. Naroon ang lungkot.
"Problema ko lang ay ang puso ko," tugon nito. "Bakit ba ikaw lang ang kilala nito?"
Mukhang nakainom ito. Naaamoy niya kasi ang alak sa hininga nito. He tried reaching for her hands as they walk together. Tinangka niya iyong bawiin ngunit tila bakal ang mga kamay nito na mahigpit ang hawak sa kamay niya at ayaw siyang pakawalan.
"Alam mo bang nasasaktan ako sa tuwing may kausap ka sa cellphone mo, hmm? I could see how your eyes sparkled with delight talking to that man. Whoever he is, be sure that he's more than enough for you. Because I just can't let you go without a fight." Nakainom nga ito, maingay na, eh. Nag-confess na nang tuluyan. "So, can you please spare me a little of your time to know me better? Baka sakaling ako ang piliin mo kapag nakilala mo na ako ng lubos. Baby, hmm? Okey lang naman na baby ang itawag ko sa'yo 'di ba? Ha? Baby?"
"Umuwi ka na, Dave. Naka-inom ka."
Todo iling ito. "No! Ihahatid muna kita sa apartment mo. Hindi mo kasama si Jona kaya ihahatid na kita."
"Kaya kong umuwi ng mag-isa," tanggi niya. "Ikaw ang umuwi na at baka kung mapaano ka pa sa daan."
"Ihahatid nga kita, okey? Bakit ba ang kulit mo?" Ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya kanina ay nasa kanyang baywang na ngayon. Panay ang iwas niya ngunit lalo lamang siya nitong hinapit sa katawan nito. "Dito ka lang sa tabi ko, baby."
Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang pagdiin ng mga daliri nito sa kanyang baywang. Hindi naman iyon masakit ngunit may kakaiba siyang naramdaman. Hindi naman siya natatakot, hindi rin kinakabahan. Basta ang alam niya, hindi siya mapakali.
Hanggang sa makarating sila sa tapat ng kanyang apartment, hindi siya binitiwan ni Dave. Hindi rin naman niya magawang kumawala mula sa pagkakahapit nito sa kanya. Muntik pa silang mabuwal na dalawa ng nasa may tapat na silang pinto ng apartment niya. Mabuti na lamang at naitukod ni Dave ang magkabila nitong kamay sa pinto samantalang awtomatikong pumaikot ang magkabila niyang braso sa leeg nito sa takot na magtihaya siya.
Walang nagsalita sa pagitan nilang dalawa ngunit batid nila ang posisyon na meron sila. Magkadikit na ang kanilang ilong at kung gagalaw pa ito nang kaunti, tuluyan ng magdidikit ang kanilang mga labi. Kita rin niya ang pagkagulat sa mukha ni Dave ngunit naroon din sa mga mata nito ang init at pagnanasa.
Sinubukan niya itong itulak ngunit walang pwersa ang kanyang mga galaw. Hindi man lang natinag si Dave. Ang mga titig nito ay nagsimula sa kanyang mga mata hanggang sa bumaba iyon sa kanyang labi. Kita niya kung paanong umalon-alon ang adams apple nito habang titig na titig sa kanyang labi.
And the next thing she knew, his lips were already on hers. Sa una ang magaan ang mga halik nito, waring tinatantiya ang kanyang magiging reaksyon. Ngunit sa huli nanging agresibo iyon, mapaghanap ng sagot mula sa kanya. Hindi rin naman niya alam kung ano ang gagawin, kung paano ba niya igagalaw ang kanyang mga labi. She was never been kissed! And Dave was the one to introduce this to her. Ang labi nito ay naging mapang-angkin, naninibasib at nanggigigil. Nanatili namang tikom ang kanyang labi ngunit naging mapagbigay si Dave.
"Open your mouth, baby," he said in a deep hoarse voice.
Sinunod naman niya ang sinabi nito. The moment she opened her mouth, agad niyang naramdaman ang pag-angkin ng bibig nito sa kanyang labi pagkatapos ay naglimayon ang dila nito sa loob ng kanyang bibig na para bang may hinahanap.
"Hmm," mahina siyang napaungol kasabay ng panlalambot ng kanyang mga tuhod. Mabuti na lamang at naging mabilis si Dave kaya bago pa man siya mapaupo sa sahig ay nahapit na siya nito sa baywang. Kasunod noon ay naramdaman niya ang masuyong pagsandal sa kanya ni Dave sa dingding. Ang labi nito ay nanatiling nakahalik sa kanya at tila walang plano na pakawalan siya.
Hindi na rin siya makapag-isip nang maayos ng mga oras na iyon. Masyado ng abala at hulog ang kanyang katawan at isipan sa sensasyon na dulot ng mga halik at haplos ni Dave. Nararamdaman na rin niya ang nag-uumigting nitong kahandaan na bumubundol sa bandang hita niya. And it just ignites the fire within her.
"Baby," anas ni Dave sa pagitan ng mga halik nito. Halos maipit na siya dahil sa madiin nitong pagkakapinid sa kanya sa pinto ng kanyang apartment. Para bang nalulunod siya na hindi niya maintindihan. Bigla siyang nainitan lalo na't ang isang kamay ni Dave ay nasa impis niyang tiyan, dumadama at pumipisil sa kanyang balat. Ang mga halik nito, puno nang pananabik at mapang-akin. Mapagparusa. Ang kamay niyang kanina ay nasa leeg nito, ngayon ay nasa buhok na nito na tila doon siya kumukuha ng lakas dahil sa panghihinang dulot ng ginagawa ni Dave sa kanya.
Darang na darang na siya sa apoy nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sasagutin niya sana iyon ngunit pinigilan siya ni Dave sa pamamagitan ng pagpinid ng magkabila niyang kamay sa ibabaw ng ulo niya. All she could do was arch her body to give him more access on her neck. She could also feel that anytime soon, he's kisses would fall on her breast but not too soon since he couldn't get enough of her lips and neck.
Pinilit niyang balewalain ang tawag ngunit hindi iyon tumigil sa kakatunog hangga't hindi niya nasasagot. Nang masilip ang pangalan ng kanyang nanay sa screen ng kanyang cellphone, doon siya tila binuhusan ng malamig na tubig. Marahas niyang naitulak si Dave.
"Umalis ka na." Hindi siya makatingin ng diresto sa binata. "Mali ito. Mali."
Panay ang iling ni Dave. "No. Baby...no."
"Umalis ka na. Isipin na lang na lang natin na hindi nangyari 'to, okey? Hindi nangyari ang lahat." Hindi niya matanggap na sa isang saglit ay naging marupok siya at agad na nadala sa init ng katawan.
"Sa tingin mo, gano'n lang kadali 'yon?" inis na tanong ni Dave sa kanya. "Pagkatapos ng mga nangyari, you expect me to just move on and pretend as if we did nothing?"
Pilit niyang itinulak si Dave. "Walang nangyari, Dave. Wala! Kaya umalis ka na. Umalis ka na."
Ilang minuto nang nakaalis si Dave ngunit hanggang ng mga oras na iyon ay nasa labas pa rin siya ng kanyang apartment, tulala at pilit pina-process ng kanyang utak ang mga nangyari. But one thing is for sure, hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang mga halik at haplos ni Dave.