Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang nararamdaman ni Arabella ng makita ang binata sa kanyang harapan. Biglang kinabahan,hindi makapagsalita at higit sa lahat, tulala habang nakatingin dito. Hindi naman siya dinadaya ng kanyang paningin 'di ba? Nasa harapan talaga niya si Jace at may mapanuksong ngiti sa mga labi habang titig na titig sa kanya! "Love?" untag ulit ni Jace. "H-ha?" Hindi niya talaga alam kung paano aakto ng mga oras na iyon! Para siyang tanga! Ang sunod na lang niyang naintindihan ay nang dumukwang si Jace upang halikan siya. Maagan lang iyon at mabilis ngunit lalo pang nakadagdag sa kanyang pagiging tuliro. Kasunod noon ay ang masuyong pagdampi ng palad ng binata sa kanya pisngi. "Sa wakas, nakita na rin kita in person. Makakasama na rin kita. Mayayakap at mahah

