Nakatanggap siya ng chat mula kay Jace na nadarting na ito ngayong araw. Diretso raw ito sa kanyang apartment para sunduin siya saka sila tutungo sa bahay ng kanyang Auntie Myra upang doon magpalipas ng gabi. Alam na naman ng mga ito na may boyfriend siya kaya isinaman na niya si Jace. They've meet him twice kaya hindi na bago sa mga ito ang pagsama-sama niya sa binata. Hindi nga lang nakaligtas sa sermon ng kanyang Auntie Myra. Sa lahat kasi ng mga tiyahin niya, para sa kanya, ito ang pinakamabait. Hindi lamang dahil sa natulungan siya nito sa trabaho niya ngayon kundi dahil sa kanilang lahat na magpipinsan, wala itong sawa sa pagtulong. Kapag lumuluwas sila ng Manila, palaging ito ang sumusundo. Sa kanila din sila nag-stay kapag wala pa silang mahanap na trabaho. At siyempre, libre lahat

