Ang plano niyang gawin kay Jace ay hindi na natuloy. Nagkaroon kasi ng emergency sa trabaho ang binata kaya kinailangan nilang bumalik agad ng Manila nang gabi ring iyon. It was a brief getaway but she was more than happy. Kahit pagod at puyat, okey lang basta kasama niya ang binata. "I'm so sorry, love," hinging paumanhin ni Jace sa kanya habang nasa biyahe sila. Panay ang iling niya. Masuyo niyang hinawakan ang braso nito saka hinaplos-haplos 'yon. "Ano ka ba? Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Saka trabaho 'yan...kung sa akin man mangyari ang ganyan, siguradong babalik din ako ng Manila agad-agad." Malungkot talaga ito. Nakakalungkot naman talaga. At nakakainis lalo na kung hindi natuloy ang mga plinano mo. "Tinapay na sana, naging bato," anito habang iiling-iling. "Hoy

