Pagkatapos niyang tanungin si Jace, agad siya nitong hinila. Buong akala niya, kakaladkarin na siya nito papunta sa kanilang sasakyan ngunit hindi. Naghanap ito kung saan pwede silang kumain. Nagutom siguro. Ikaw ba naman ang sumuka nang sumuka, eh. Sa isang stall kung saan nagtitinda ng burger at fries sila tumigil. Ito na ang kusang um-order ng kanilang pagkain habang siya ay naghahanap ng pwede nilang maupuan. "Love, ipangako mo sa 'kin na hindi na tayo ulit pupunta dito. God!" Hapong-hapo nitong naihilamos ang magkabilang kamay sa mukha nito. "Nakakahiya! Sumuka pa 'ko!" Hindi na lang niya ito inaasar dahil sa totoo lang, iba ang tumatakbo sa isip ng mga oras na iyon. And Lord, ngayon pa lang, kinakabahan na siya. Mas nakakakaba pala itong binabalak niya kaysa sa pagsakay nila sa

