Hindi na halos makahinga nang maayos si Jace dahil sa katatawa. The reaction on Arabella's face was hilarious. At nang batuhin siya nito ng tsinelas kanina, mabuti na lamang at mabilis siyang nakadapa dahil kung hindi, baka nasapol ang kanyang alaga. Grabe ang inis nito sa kanya! Hindi pa talaga ito nakuntento, sumampa ito sa kama pagkatapos ay pinaghahampas siya nito sa likod. "Napakawalang hiya mo talaga!" bulyaw nito sa kanya. Siya naman ay lalong ibinaon ang mukha sa unan habang pilit na lumalayo sa dalaga. She literally is mad at him! Tumigil lang ito maya-maya, nang hinihingal na ito. Saka lamang siya humarap dito sabay yakap sa baywang nito. Ang mukha niya ay nasa hita na nito ngayon, doon naman pilit itinatago ang kanyang mga ngiti. "Kapag hindi ka pa tumigil sa katatawa, bab

