Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Naalimpungatan lang siya dahil sa tunog ng kanyang cellphone. Nang tingnan niya, si Jona, dalawang beses na palang tumatawag. "Kagigising ko lang, baks. Chat kita maya kunti," reply niya. Agad naman niyang hinanap si Jace pero hindi niya ito nakita. Hindi pa rin ito nakakabalik hanggang ngayon? sa isip niya. Iinot-inot siyang bumangon saka hinagilap ang kanyang mga damit. Pagkatapos ay basta na lang niyang pinaraanan ng kanyang mga daliri ang buhok niyang hanggang balikat. Dahil alaga niya iyon, magmula ng magpa-rebond siya, hindi pa rin ito bumabalik sa pagkakulot kaya madali lang ayusin. Nasaan na kaya ang lalakeng 'yon? tanong niya sa kanyang isipan. Gutom na talaga siya! Nagpasya siyang lumabas at hanapin ito. Isa lang naman ang re

