CHAPTER 64: Umasa si Shaika na babalik si Herlene matapos nitong umalis na animo’y nagtatampo. Ilang ulit nang nangyari sa dalawang magkaibigan ang ganitong senaryo na hindi napagbigyan ni Shaika ang gusto ni Herlene at ang magiging paraan niya upang mabago ang desisyon ng kaibigan ay ang magpanggap na nagtatampo saka aalis. Sa maraming beses na naulit ito, bumabalik lang din si Herlene para ipilit ang kanyang gusto at dahil nakukulitan na si Shaika sa kanya ay pagbibigyan na lang din niya ito. Ngunit may pagkakataon naman na hindi na kailangan pang mamilit ni Herlene dahil kusa na iyong ibibigay sa kanya ng kaibigan kapag umepekto ang kanyang ginawang pagtatampo. Ngunit ang mga nangyaring iyon ay iba sa nangyayari ngayon. Kahit maging totoo na ang tampo ni Herlene—dahil nga hindi ito b

