CHAPTER 63: Noon pa man ay sarado na ang tainga at pikit na ang mata ni Shaika sa kasong kinasangkutan ni Camille. Wala siyang pakialam kung ginamit man ang dalaga upang makuha ng kahit na sino ang kanyang gusto. Hindi ito dahil sa galit siya sa sekretarya ng mayor, nagpasiya siyang huwag mangialam dahil ayaw niyang masangkot sa gulo na wala naman siyang mapapala. Maaring iniligtas niya nga si Camille ng isang beses at sa puntong iyon ay nabigyan niya ng pagkakataon ang dalaga na makapagsalita muna ng kanyang mga nalalaman tungkol sa ilegal na negosyo ni Darwin. Ngunit hindi niya naman sinasadyang magawa iyon, nagkataon lang talaga na hinahanap niya si Camille nang araw na iyon at nakita niya ito sa ganoong sitwasyon kaya’t tinulungan na rin niya. Pinagsisihan niyang hindi niya nailigta

