CHAPTER 62: Hindi rin naman natiis ni Zeldris ang kaibigan, matapos niya itong kausapin nang ganoon ay maayos niya naman itong ipinakilala sa ibang empleyado bilang kapalit nga ng nasira niyang sekretarya. Kalmado na ang kanyang boses habang nagsasalita siya, naniniwala si Herlene na nakapagsalita lang ang binata ng ganoon dahil hindi pa ito tuluyang nakakalimot sa nangyari sa kanyang sekretarya. Maaring hindi man niya alam kung gaano kahalaga si Camille para kay Zeldris… iginagalang niya naman kung ano ang pinagdadaanan ng binata. Minsan na itong nawalan ng mahal sa buhay, at ang maulit ang parehong sakit na iyon na wala siyang nagawa upang iligtas ito ay tiyak niyang mas higit na masakit. Kaya kahit nakakaramdam siya ng selos ay hindi niya na lang pinapansin bilang paggalang na lang di

