CHAPTER 10: Halos madilim na nang makauwi si Sinister galing sa pakikipag-usap kay Maestro. Ibinagsak na lang niya ang sarili sa kama na para bang sobrang napagod siya sa ginawa niya ngayong araw, kahit na wala naman siyang kahit anong mabigat na ginawa. Gusto niyang pagsisihan na lumapit pa siya kay Maestro para kumalap ng impormasyon tungkol sa kilos ngayon ng kaibigan niya. Nang marinig niya kasi kung ano ang ginagawa nito, tila ibang tao na si Herlene… hindi na ito ang babaeng nakilala niya na masayahin at makulit na kaibigan niya. Nabura na ang palaasar nitong pagkatao at napalitan ng ugaling malayong-malayo sa inakala niya. Ayon sa ibang taong nakalapit na sa Information’s Desk, lehitimo ang impormasyong hawak ng Maestro. Pero may kutob siya na ang sinabi nito sa kanya ay walang ka

