CHAPTER 11: Tahimik ang paligid ng lugar, isang tipikal na sitwasyon para kay Sinister. Alam niya na kapag ganito ang nangyayari sa paligid ay may kung anong inihandang patibong ang kalaban o hindi kaya ay alam nito ang pagdating niya. Noong mga unang beses niya sa ganitong trabaho, nababahala pa siya kung saan maaring nakatago ang mga kalaban. Pero ngayon, tila isang natural na lang sa kanya ang maranasan ang ganito katahimik na paligid. Maraming bagay ang sinabi ni Maestro tungkol kay Zeldris at sa mga tauhan niya, mahina ang binata kapag siya lang mag-isa. Mas nauuna sa kanya ang takot kapag nalalagay ito sa panganib at walang kasamang bodyguard. Iyon din ang rason kung bakit ganoon na lang ang takot niya nang magharap sila ni Owen at alam niyang pareho silang may balak na pumatay sa

