CHAPTER 12: Malambing at mahina ang tono ng boses ng binata, tila naging musika sa tainga ni Sinister ang boses na iyon… para bang napakalma siya ng boses na iyon at nagawa niya itong pakinggan. Hindi niya alam kung ano ang pakay ni Owen sa kanya kung bakit siya nito gustong makausap, pero dahil sa pagpigil nito sa kanya sa pag-atake at sa pagkakaroon nila ng ganitong pagkakataon na matitigan ang isa’t isa… nabigyan din ng pagkakataon ang dalaga na makilatis ng malapitan ang mukha ng binata. Hindi na gaanong aninag ni Sinister ang mukha niya dahil nga nakatalikod ito kung nasaan nakapwesto ang ilaw, isinandal kasi siya nito sa isang haligi na hindi niya napansin nang sugurin niya si Owen. Pero dahil wala itong galaw at ang tanging ginagawa lang naman nito ay makipaglaban ng tingin sa kan

