CHAPTER 13: Sinalo ni Owen ang kanyang ulo, ramdam niya ang pagkahilo mula sa natamo niyang pagkaka-untog sa ulo ng dalaga. Bukod sa pagkahilo ay sumakit din ang parte kung saan siya tinamaan. Hindi niya lubos akalain na gagawin iyon sa kanya ni Sinister. Nang makabawi na ng kaunting lakas ay agad siyang tumingin sa kausap na may malalim na kunot sa kanyang noo. “Ano ba talagang problema mo?! Nakikipag-usap naman ako sa ‘yo nang maayos, ‘diba?!” singhal niya. Sa halip na mabahala sa naging reaksyon ng binata ay nanatiling walang pakialam si Sinister sa kanya, walang nagbago sa reaksyon ng kanyang mukha. At sa isip niya, tila nagpaplano na siya kung ano ang susunod na gagawin niyang pagsugod. Hindi rin ito sumagot sa sinabi ng kaharap niya, nakatayo pa rin siya kung saan siya huminto mul

