CHAPTER 14: Sabi nila, bulag daw ang katarungan, at ang krimen ay isang malaking misteryo kanino man. Pero ano ba talaga ang dapat mong gawin para makuha mo ang hustisyang gusto mong makamit kung sa una pa lang ay hindi mo na alam sino ang totoong dapat silingin? Mula bata pa si Shaika, iyon na ang tanong sa isip niya na hanggang ngayon ay hindi niya alam ang sagot. Ang tanging alam lang niya ay ang sinabi ni Supremo na isang politiko ang taong pumatay sa kanyang mga magulang… isang buwaya na mapagsamantala sa hawak niyang kapangyarihan. Kaya nga mula noon, matindi na talaga ang galit niya sa lahat ng politiko. Wala siyang sinasanto, wala siyang pinapatawad, at higit sa lahat… wala siyang awa. Malinaw sa kanya na ang tanging rason niya sa buhay para patuloy na bumangon ay linisin ang ka

