Chapter 15

1755 Words

CHAPTER 15: Agad na tumindig ng ayos ang mga alagad ni Zeldris na nakapaligid sa kanya upang protektahan siya laban kay Owen. Iisa lang siya, pero lahat ng tauhan ng mayor na halos pumuno na sa bulwagan ay nasa kanya ang atensyon… nag-aabang kung ano ang susunod niyang gagawin. Sanay naman na siya sa ganitong uri ng atensyon, kaya wala nang problema sa kanya kung sabay-sabay man nila maisipang sumugod. Hindi natinag si Owen kahit pa alam niyang isang maling galaw lang niya ay katapusan na niya, nanatili lang ang kanang kamay na may hawak na baril na nakatutok kay Zeldris. Bago pa man siya lumantad ay nakahanda na siyang mamatay. Hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya ng buhay sa lugar na ito, dahil maging siya mismo sa sarili niya ay hindi niya maintindihan kung bakit niya ito ginaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD