CHAPTER 16: Hindi alam ni Zeldris kung ikatutuwa niya ba na sa wakas ay nakuha na niya ang atensyon ng dalaga. Sa uri kasi ng tingin nito sa kanya ay para bang may kung anong nangyayari sa pagitan ng dalawang dalaga at tila nadadamay na siya sa kung ano mang issue na iyon. Nabanggit niya nang hindi niya alam ang plano ni Herlene, ngunit sadyang desperada talaga si Sinister na alamin kung ano talaga ang balak nito. Maari niya nang sabihin na nasisimulan niya na ang hiling ni Herlene sa kanya na kumbinsihin si Sinister na maging bodyguard niya, ngunit kahit ilang ulit niyang ipaalala sa sarili niya na magiging ayos lang ang lahat ay hindi niya talaga magawang tanggapin na gagawin niya lang ito dahil sa kaibigan niyang iyon. Maaring madali lang na palampasin ang ginawa ni Sinister na pagtan

