CHAPTER 52: Hindi itatanggi ni Shaika na dahil sa nangyari ay nagsisimula na siyang mag-isip ng mas malalim pa tungkol sa totoong pagkatao ni Zeldris. Lalong ipinapakita sa kanya ng mga nangyayari na totoo ang sinasabi ng binata na hindi siya masamang politiko na gaya ng sinasabi ng Dark Knight. Tila pabor sa mayor ang pagkamatay ni Darwin bilang matibay na patunay din sa isa pa niyang sinabi na maaring nadadawit lang ang pangalan niya dahil sa mga taong gumagawa ng masama na nakapaligid sa kanya gaya ng dating mayor at kuya niya na si Zacarias. Wala naman sanang kaso sa dalaga kung sakaling totoo talaga ang sinasabi nito na hindi siya gaya ng iniisip niya, hindi naman mahirap na bawiin ang mga sinabi niyang masama tungkol sa binata at kaya niya namang baguhin ang pag-uugali niya sa bina

