CHAPTER 53: Madaming bagay ang gustong ipagpasalamat ni Shaika na ginawa niyang sabihin sa mga kasama kung ano ang gumugulo sa isipan niya ngayon. Hindi man niya direktang inamin o ipinaliwanag kung ano iyon, nasagot naman ito lahat dahil lang sa isang salita o bagay na sinabi ni Herlene sa kanya. Sa mga salitang iyon nagawang tukuyin ng dalaga kung anong daan ba ang dapat niyang tahakin. Ngayong may ideya na si Herlene kung ano na ang lagay ng kanyang kaibigan sa puder ni Zeldris, kampante na siyang muling ituloy ang pagkilos sa paghahanap sa mga taong nakakaalam ng tungkol sa sikreto niya at tungkol na rin sa ibang tao pa na may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang ama. Sa mga oras na ito ay alam niyang hindi mapapansin ni Shaika ang kilos niya dahil kasalukuyan pa itong abala sa problem

