Chapter 70

1806 Words

CHAPTER 70: Kahit ilang ulit ipaalala ni Shaika sa sarili niya ang sinabi ni Owen na ligtas si Supremo at walang dapat pag-alala ay hindi pa rin niya magawang matahimik. Hindi niya alam kung bakit hindi talaga mawaglit sa isipan niya ang mga sinabi ni Dave na tila ba hanggang hindi niya ito nakakausap ay hindi siya makakampante na wala nga siyang dapat ipag-alala. Gaya ni Shaika ay walang ginagawa si Owen, hindi ito nagsubok na humanap ng ibang trabaho habang nasa posisyon siyang galit si Maestro sa kanila. Ang katuwiran niya, kapag nagpagala-gala siya sa paligid ay tiyak na mas iinit ang mata ng Dark Knight sa kanya. Maigi nang malaman ng grupo na narito lang siya palagi sa bahay ni Dave para kahit paano ay maalis ang tingin sa kanya ng mga ito. Ngunit hindi pabor kay Shaika ang ganoon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD