CHAPTER 69: Alam ni Shaika kung paano magalit si Zeldris, at hindi siya ang tipo ng tao na patatawarin ka ng ganoon na lang kadali. Naranasan na niya kung paano magparusa ang binata, at masasabi niyang hindi mo ito mararamdaman na sa kanya nanggagaling ang bigat ng iyong nararanasan. Hindi niya iyon masyadong naramdaman noong sa kanya may galit ang binata dahil wala naman siyang pakialam, pero pansin niya ang ginawa nito sa kanya. Ngunit kung titignan ang nangyayari ngayon, mas mabigat ito kaysa sa naranasan niya noon. Kung may pagpipilian man ang dalaga, hindi siya magtitiis sa puder nito lalo ngayon na hindi maganda para kay Herlene ang nangyayari. Ngunit alam niya na kahit magtigas siyang dapat na silang umalis ay sigurado siyang hindi siya susundin ng kaibigan. Bukod sa bulag ito na

