CHAPTER 68: Kuntento si Carlo sa buhay na ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Hindi ikinubli sa kanya ang tungkol sa kanyang pagkatao, sa murang edad pa lang ay alam niya na ang kanyang ama ay hindi ang ama na nagpalaki sa kanya. Ganoon pa man, hindi niya naramdaman na iba siya sa mga kapatid niya. Lalong-lalo na sa kanyang ate na si Camille. Mula nang ipanganak si Carlo hanggang sa mag-aral siya ng kinder ay nakatira siya sa puder ng kanyang magulang, hindi siya nagkulang sa atensyon at pagmamahal dahil buong-buo itong ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya. Ngunit nang mag-aral na siya, hindi siya nakaiwas sa mga taong nanukso at nang-insulto sa totoo niyang pagkatao. At iyon ang simula ng kanyang totoong kalbaryo. Sa bawat araw na lilipas na siya ay nagiging tampulan ng tukso na siya ay

