CHAPTER 67: “Ricardo Fajardo. Siya ang utak ng ilegal na negosyo rito sa City L. Ang walang hiyang vice mayor na nagpapatay sa ate ko!” sigaw ni Carlo, halata sa kanyang nanlilisik na mata at nakakuyom na kamao kung gaano siya kagalit sa taong binanggit niya. Naningkit ang mata ni Shaika nang mabanggit ni Carlo ang ‘vice mayor’ dahil hindi niya inasahan na mismong bise ni Zeldris ang gumagawa ng kalokohan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ang unang tanong sa isip ng dalaga ay kung bakit hinahayaan lang ng mayor na ganoon na kasama ang ginagawa ng mga taong nasasakupan niya. Hindi niya alam kung dapat bang ikatuwa niya na malapit lang ang taong itinuro nitong suspek o dapat ba ay manghinayang siya na hindi ito si Zeldris. Ang hirap paniwalaan kung magdadahilan lang ito na wala siyang alam o

