CHAPTER 66: “Sinabi mo sa akin na ang taong pumatay kay Camille at ang taong pumatay sa magulang ko ay konektado, ‘diba? Pano mo iyon nasiguro?” muling tanong ni Shaika sa binata. Dahil nasa pampublikong lugar sila kanina nag-usap at napapaligiran sila ng madadaldal na empleyado ng Munisipyo, hindi naigawang itanong ni Shaika ang tanong na iyon kanina kay Carlo. Iyon kasi mismo ang gusto niyang malaman, bakit sa dinami-dami ng maaring magkaroon ng koneksyon ay iyong bagay pa talaga na ayaw niyang madamay. “Hindi ko naman talaga intensyon na matunton ang tungkol sa kaso ng mga magulang mo. Nagkataon lang talaga na magkasama sa iisang partido ang politikong may negosyong ilegal na pumatay sa ate ko at ang politikong kliyente ng tatay mo—” “Sandali, politikong may ilegal na negosyo? Ibig

