CHAPTER 46: Sa unang araw pa lang ng pagiging bodyguard ni Shaika ay hindi niya na gusto ang ugali ni Camille. Kaya mula pa noon ay ilag na siya sa babaeng iyon at hangga’t maari ay ayaw niya talagang magtatama ang tingin nilang dalawa dahil mabilis na kumukulo ang dugo niya sa tuwing nangyayari iyon. At dahil na rin sa inis siya sa dalaga ay hindi niya ito pinapansin, kasama na rito ang mga bagay na madalas na ginagawa nito kasama na ang uri ng trabaho nito. “Zeldris, kailan mo pa naging sekretarya ‘yung babaeng mannequin na iyon?” tanong niya. Magkatabi ang dalawa sa likod ng sasakyan ng mayor, papunta ito sa isang meeting at kinakailangan ang pagdalo ng lahat ng mayor ng bayan. Sa tuwing may ganitong meeting na pupuntahan si Zeldris ay mas gusto niyang naiiwan sa opisina si Camille d

